Epilogue

104 6 6
                                    

Thank you for reading Uncontrollable Flame, Guineverial #2, this will be the end. Mwa!

Epilogue

Abrys

A woman is staring at me. Nasa hallway ako ng hotel at hinihintay ang paglabas ni Dad sa hotel room niya. Dalawa ang babae na nagsisikuhan at halos manginig ang labi, sinusubukang ngumiti pero hindi magawa na para bang kinakabahan.

"Ate," Sumulpot ang isang babae, tinampal ang braso ng maputing babae sa gilid niya.

Tiningnan siya no'ng maputi habang iyong katabi naman nitong isang babae na morena ay nanatili ang naglalaway na tingin sa akin.

"Ba't nandito lang kayo? Pasok na tayo. Tapos na akong tumae, amuyin mo."biro ng babae at umamba na ipapaamoy ang kamay sa babaeng tinawag niyang Ate.

Inamoy naman ng Ate niya. "Hindi naman, e." Ngumiwi ito.

"Syempre biro lang. Inamoy mo naman, dugyot ka."

"Mas dugyot ka, pinapaamoy mo."natatawang anang Ate niya.

Natigil ang tingin ko sa babae na 'yon. Maputi siya, mas maputi sa Ate niya. Pino ang puti niya at halatang malambot din ang balat. May maalon at mahabang golden brown na buhok. Housekeeper yata siya rito. Bakit hindi niya talian ang buhok niya? Hindi ba siya nahihirapan?

"May gwapo," I saw the sister of that girl mouthed and then looked at me.

Patay-malisya akong tumingin sa paligid, kunwari may hinahanap. I saw the girl with the golden brown hair turned to me pero hindi manlang nagtagal ng segundo! Whoa!

Tiningnan ko siya. Hindi ka ba nagagwapuhan sa akin, Miss?

Hinila lang niya ang babae na tinawag niyang Ate. Iyong isa naman ay nagpaalam na sa ibang kwarto ang tungo.

Nagkibit-balikat nalang ako. Kunwari lang 'yon pero aabangan din ako no'n katulad ng Ate niya. Girls tactics...

That is my first encounter of her. She's just a nobody to me. Pabalik-balik ako sa hotel na 'yon dahil kay Dad pero 'yong dalawang babae lang ang nakikita ko. And I don't give a fuck because she's not actually my type.

But then, something happened that makes her mark on my mind.

"Dad!"sigaw ko sa aking phone. "Nasusunog ang hotel! Nasa loob ka ba?"nag-aalalang tanong ko kay Daddy na nasa kabilang linya.

I immediately reach the bottle of water on the back seat. Binasa ko kaagad ang panyo na hawak ko. Wala ng pakialam kung mabasa ang upuan ng sasakyan.

Kinalabog ko ang pintuan ng sasakyan at agad na tinakbo ang distansya kung saan ang nasusunog na hotel.

"Yes, yes. Abrys, 'wag kang tutungo rito!"

"Dad, I saw the death threats on your office last week. May kinalaman ba ito rito? Where are you?!"

Nakarinig ako ng malalakas na putok ng baril sa loob ng hotel. Nanlaki ang mata ko sa takot at pagkabahala.

Hindi ko alam kung bakit lumala ang pagkakaroon ng death threats ni Dad. For the past years na nabubuhay siya, ngayon lang ito nangyari. Yes, he's a succesful man and a multibillionaire. Hindi maiiwasan na magkaroon ng ganito pero bakit naman umabot sa ganito? Sinunog pa ang hotel? Are thay that desperate to kill my Dad?

"Abrys. Don't try to come here! Maraming nagbabarilan! Madadamay ka!"

"Whatever it takes. I will try to save you! Hindi pwedeng maghintay lang ako rito!"

"I already accept my fate, anak. They will kill me, I know! 'Wag ka nang tumungo rito dahil madadamay ka pa!"

"Nasaang floor ka ng hotel, Dad?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now