Chapter 41

50 4 1
                                    

Chapter 41




"Sakit sa ulo!"iritadong ani Ate Maricris sa amin at sumalampak sa mahabang upuan kung saan kami nakaupo ni Maricar at Leah.




Si Marineth ay inaasar si Brianna. Inaangat ang manika nito para hindi maabot at gustong paiyakin. Nagdabog naman si Brianna at sumigaw ng, "Mama!!!"




"Tumigil ka nga riyan!"si Lola na kinuha ang manika ni Brianna sa kamay ni Marineth.



Humagalpak si Marineth at sinuyo ang anak ko pero sinapok lang ni Brianna ang braso niya.



"Baka naman kasi nag-ooverthink ka lang, Ate. Ano ka ba! Mahal ka no'n!"ani Maricar sa nag-aalburotong si Ate dahil nag-away na naman sila ni Noriel.



"Sus! Baka nga may babae na 'yon! Ano ka, malakas ang instinct nating mga babae. Pag napansin nating may iba, may iba!"si Leah na sinang-ayunan pa ni Lola.




Hinawi ni Ate ang kaniyang buhok at humalukipkip. "Bahala na. Dito ako matutulog!"iritado niyang sabi na para bang labag pa sa loob niya 'yon.



"Nagpapalambing,"pang-aasar ko at sinundot ang tagiliran niya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.


Humalakhak ako dahil doon.



Nagpaalam muna ako dahil maggo-grocery pa ako. Ubos na ang mga supplies namin lalo na ang mga lotion at hygiene product namin ni Brianna.



"Mag-uusap nga tayo para sa debut ni Marineth tapos aalis ka!"ani Ate nang bumaba na ako pagtapos kong maligo. Naabutan ko silang nanonood ng movie habang may dalawang box ng pizza na nakalatag sa harap nila.



"Saglit lang ako. May mga bibilhin lang,"sagot ko at lumapit para kumuha ng slice ng pizza.



Tiningnan ko si Brianna na ngayon ay nakasiksik sa dibdib ni Marineth at sinisilip ang TV. Mukhang nakakatakot ang pinapanood nila.



"Brianna, akyat doon. 'Wag kang manood niyan."


"Oo nga!"sang-ayon ni Maricar pero mas lalo lang sumiksik ito kay Brianna.



"Hindi 'yan aakyat doon. Takot 'yan. May mumu roon!"pananakot pa ni Ate.



Sinamaan siya ng tingin ni Brianna. Tinampal ko ang balikat ni Ate. "Wag mong takutin!"saway ko na siyang kinahalakhak niya.



Naalala ko tuloy iyong babae na napanaginipan ko noong nakaraan. Hindi naman na naulit kaya hindi ko na iyon masyadong iniisip pa. Hindi ko na rin tanda ang hitsura ng babae.



"Tayo doon sa taas. Sasamahan kita!"si Lola na kakalabas lang ng kusina. Mukhang kakatapos lang niya maghugas.



Napalagay na ako dahil sumama naman na si Brianna kay Lola paakyat kaya umalis na ako.



Naglakbay naman ang utak ko sa nalalapit na debut ni Marineth. Gusto ko na may maganap na cotillion sa kaniya. Sa loob ng ilang taon na paghihirap niya at pagkalugmok niya, gusto kong maranasan niya 'yon. Gusto kong mapasaya siya.



Kahit na sila Noriel, Oscar, Jeff at Paolo nalang ang mga lalaking magsayaw sa kaniya. Komportable naman siya sa mga lalaki na 'yon kaya ayos lang siguro. Kaso... papaano ba 'yon? Baka magka-panic attack siya.



Maayos na siya pero hindi pa rin naman nawawala iyong pagkakaroon niya ng panic attack paminsan-minsan. Hindi man ganoong kadalas katulad noon, nakakatakot pa rin. Nakakatakot na baka magbalik siya sa ganoong estado na hindi nakakapagsalita at palaging tulala.



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now