Chapter 48

50 3 0
                                    

Chapter 48



Pinatulog ko muna si Brianna sa isa sa mga guest room nila Sir Zach. Agad siyang nakatulog. Mukhang napagod sa byahe.



Umalis na si Director Zuella at si Milicent dahil may lakad pa raw sila. Si Sir Oasis, Sir Zach, Ari, ako at si Abrys ang natira.



Arzeus is on Sir Zach's lap. Naglalaro ito ng kaniyang remote control na sasakyan. Katabi ko pa rin si Abrys at sa gilid ko si Ari. Sa harap namin, si Sir Zach at si Sir Oasis.



Nakikita ko pa ang mga paninitig ni Sir Zach kay Ari paminsan-minsan. Mukhang gusto niyang hiramin ang asawa pero mas gusto ni Ari rito sa tabi ko, gustong makipagkwentuhan.

Abala naman si Abrys sa pakikipag-usap kay Sir Oasis tungkol sa hotel. Nalaman ko naman na may sarili ng kompanya si Sir Oasis katulad ni Sir Zach. They are all business tycoon! Narinig ko na noon ang pangalan ng kompanya ni Sir Oasis kaya sigurado akong asensado rin iyon.



This is very different from their conversation years ago. Noon, puro plano tungkol sa mga "target" ang pinag-uusapan nila. Ngayon, tungkol na sa kani-kanilang business.



"Nakakapanibago sayo, 'no?"ani Ari na mukhang nabasa ang tumatakbo sa isip ko.



I turned to her and nodded. Sumimsim ako ng shake sa aking baso. "Nakakapanibago pero I prefer this than to hear their plan.. about their targets just like how they talked, years ago..." I laughed a bit.



She laughed, too. "Yes. And I'm sure they won't do those things again. Tapos na sila roon..."


Nabuhayan ako roon. Nilingon ko siya. Tapos na sila roon? Does that mean... wala na ang Guineverial? Are they done with their illegal job?



"Wala na ba ang Guineverial?"tanong ko.



Abrys glanced at me. Mukhang narinig ang tanong ko. Ari nodded and his brow furrowed. "Hindi mo alam?"



I am shocked! Umiling ako at nilingon si Abrys. Abrys nodded as a confirmation. Marahang hinaplos pa ang tuhod ko.



Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. But one thing is for sure, I am really proud of Abrys. I am so proud of him!



"Magtatagal naman siguro kayo ng isang linggo rito, ano?"she asked Abrys.


Abrys nodded and turned to me. May paglalambing ang kaniyang mata. I smiled at him. He leaned closer to me and whispered. "Do you wanna go home?"


I shooked my head. "Nah, I'm okay. Wala naman akong gagawing iba." I assured him.



"Makakapunta kaya kayo sa event ng company ni Zach this coming Sunday?"si Ari.


"I don't think that's a good idea,"singit ni Sir Zach.



"Why not?"si Sir Oasis. "Oh. Nandoon pala si Solana,"


"Nandoon?" Abrys probed.


Sir Zach nodded. "Of course. Her Dad is one of the investors."


Nag-isip ako saglit. Ano pa ang purpose ng pagpunta namin dito kung iiwasan namin si Solana?



Wala sa usapan namin ni Abrys na kailangan kong pagtaguan si Solana pero wala rin naman siyang nabanggit na magpapakita ako rito. Sa mga pag-uusap namin, mas magandang pagtaguan ko si Solana dahil ako nga ang main target niya ngayon.



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now