Chapter 14

58 2 0
                                    

Chapter 14



"Ouch!" Nanlaki ang mata ko nang muntik ng matapon ang mga cupcake dahil sa pagkakatapilok ko. Buti nalang nakabawi ako agad!



Tumili agad si Mam Milicent nang makita ako. Umangat ang tingin ko sa kanila at nakitang nandoon na rin pala si Mam Ari at si Sir Zach. Si Sir Oasis, seryosong nagbabasa ng magazine habang hawak ang cupcake na kinuha niya kanina.



"Hi, Ma'm Ari! Maayos na ba ang pakiramdam mo? Magmeryenda muna po kayo!"bati ko kay Mam Ari.


"Oh my, it looks good!"puri ni Mam Milicent sa mga cupcake.


"Marunong ka pala magbake?"si Mam Ari kaya naman maligaya akong tumango.


"Tara na rito, Ari! Uubusan kita!"si Mam Milicent na kakalapag lang ng tray sa coffee table. Napataas ang kilay ni Mam Ari na para bang hindi niya iyon inaasahan.


Pati ako'y hindi iyon inasahan. Mukhang maayos na nga ang pakikitungo nila sa isa't-isa.


Dumampot si Sir Zach habang pinagmamasdan ang kasintahan at si Mam Milicent. Nagkibit-balikat tapos nanggulo kay Sir Oasis na seryoso pa rin sa pagbabasa ng magazine.


"Ano 'yan, FHM?"si Sir Zach kay Sir Oasis.

"This is Maizee, right?"seryosong ani Sir Oasis. "Why the fuck is she with this ugly man-"

Hinablot ni Sir Zach ang magazine. "Oh. This is Mr. Fred. Client 'yan. May big mission akong binigay kay Maizee-"

"Gago ka pala, e. Bakit mo sa kaniya binigay?"si Sir Oasis.


"So what? She's working on my company."


Mukhang pinag-uusapan nila ang tungkol sa Guineverial. Sinulyapan ko ang dalawang babae na nakaupo na sa couch. Pwede naman na siguro akong umalis 'no?


Umangat ang tingin sa akin ni Mam Ari. "You joining or what?"mataray niyang tanong na para bang nagbabanta na kailangan kong mag-join at kung hindi'y masasaktan ako.


Nanlaki ang mata ko at nataranta ng kaunti. Agad akong nagtungo sa harap nila. Umusog si Mam Milicent para bigyan ako ng espasyo kaya agad na akong umupo. Ako ang nasa gitna. Si Mam Milicent sa kaliwa at si Mam Ari naman sa kanan.

"Turuan mo ako minsan pag libre ka, Marigold. Itong pagbe-bake talaga ang hindi ko ma perfect noon pa man. Nakakainis!"ani Mam Milicent at kumagat ulit ng cupcake.


Tumawa ako. "Sure po, Mam. Kapag po may libreng oras!"masayang sabi ko.


"Ang dungis mo kumain."maarteng ani Mam Ari kay Mam Milicent at inabutan ito ng tissue.


Tiningnan siya ni Mam Milicent at umirap. "Kumain lang, ikaw, madungis ka talaga."pang-aasar nito.



Tumawa ako. Ang kulit nitong dalawa na 'to. Halatang maayos naman na sila pero naglalaitan pa rin. Sobrang saya siguro kung makasundo mo ang nagiging kaaway mo. Kung makasundo ko si Lana at si Mam Helena, ang saya saya siguro. Walang stress at walang poproblemahin.


"Nasa'n si Abrys, Marigold?"tanong ni Miss Ari sa akin kaya napabaling ako sa kaniya.


Naalala ko na naman tuloy si Sir Abrys! Hindi pinagkalooban ng sweetness sa katawan. Imbis na punasan ang labi ko katulad ng nakikita ko sa mga movie, sinungalngal lang sa nguso ko ang tissue!



"H-Hindi ko po alam, Mam..."sagot ko.



Ewan ko ba at sa akin niya hinahanap si Sir. No'ng umalis iyon sa kusina, hindi ko na nakita ulit. Baka umakyat na sa kwarto niya.


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now