Chapter 30

66 3 0
                                    

Chapter 30



"Anong nangyari?"excited na tanong ni Kikay sa akin. "May nangyari na ba?"



Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya at agad na umiling. Naku! Hindi ko kailanman sasabihin ang tungkol doon kahit na kanino, ano!



Pabirong binangga niya ang braso ko. "Wala raw! Amoy na amoy ko si Sir Abrys sayo, oh! Ito..."nanunukso niya akong tiningnan.




Namula ang pisngi ko na parang kamatis. Umiling ako ulit. "Syempre doon ako naligo sa condo nya. Ano ka ba! A-Ang... dumi ng utak mo.."nauutal kong sabi at nag-iwas ng tingin.




Nanunuksong tinuro niya ang mukha ko. "Naku, naku, naku, naku!"mabilis na sabi niya, halos patili.


Hinawi ko ang daliri niya at nginiwian siya.



Nasa sala si Abrys kasama sila Sir Zach. Pinagtutulungan siya doon nila Mam Milicent kasi sakit daw siya sa ulo. Habang ako, nandito sa kwarto. Inaayos ang mga gamit ko at ginugulo ni Kikay!




"Alam mo, si Edison... Parang boyfriend kung makaasta! Diba, hindi ka niya pinapansin. Akala mo kung sino. Bakit ka raw sumama sa condo ni Sir. Syempre boyfriend mo 'yon. Bobo siya!" Umirap siya sa sobrang pagkairita.



Hindi ako umimik. Nakita ko nga ang text ni Edison pero nangangamusta lang siya. Wala naman siyang sinabing kahit ano bukod doon. Hindi naman ako nagreply sa kaniya.



Nagtrabaho kami ni Kikay katulad ng nakagawian. Gusto kong bumawi kasi wala akong naibigay na sahod kela Ate ngayong week. Hindi naman sila nanghihingi pero ayaw ko silang magtaka. Hindi naman nila alam na nanatili ako sa condo ni Abrys ng isang linggo.



Sa kusina kami naglinis ni Kikay. Patuloy pa rin siya sa pang-aasar sa akin tungkol sa amin ni Abrys. Para matigil siya, nakwento ko na tuloy ang tungkol kay Solana!



Wala talaga akong balak ikwento 'yon kahit kanino dahil ayaw kong makarating pa kay Abrys pero dahil makulit si Kikay, iyon nalang ang kinwento ko. Para matabunan na ang pag-iisip niya ng tungkol sa amin ni Abrys.



"Grabe ka rin talaga umatake, ano! Mga peste talaga sa buhay mo 'yang Lana. Lana tapos Solana. Bwisit!" Humagalpak siya sa tawa. "Naalala ko tuloy iyong sinabi mo kay Lana dati." Tapos nagpatuloy siya sa pagtawa.



Tinampal ko ang braso niya at nilingon ang paligid. Takot na may makarinig. "'Wag ka ngang nagbabanggit ng pangalan. Baka sabihin, pinagkekwentuhan natin siya. Gulo na naman 'yan!"




Humalakhak pa siya lalo. "Sorry, sorry. Hindi ko mapigilan... Naalala ko 'yong sinabi mong w-wala siyang..." Hindi niya maituloy at lalo pa siyang tumawa. Naiiyak na siya sa sobrang pagtawa. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pag-oorganisa ng mga gamit doon.




"Paano mo magagamit ang ganda sa pag-angat kung wala ka namang ganda?" Ulit niya sa sinabi ko noon tapos humagalpak pa siya lalo.



"Tumigil ka na nga, Kikay!"natatawang saway ko. "Doon ka. Doon. Para hindi ka na matawa!" Tinuro ko ang scullery.



"Okay, sige." Tumawa pa siya lalo habang naglalakad patungo sa scullery.




Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Binuksan ko ang huling section ng kitchen cabinet. Inabot ko ang mga lagayan ng mga condiments doon para maibaba at mapunasan ang cabinet.



Tumingkayad ako at inabot ang ilan. Nilapag ko 'yon sa counter top. Tumingkayad ako uli para maabot ang iba nang may maramdaman akong yumakap sa akin muli sa likod.


Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now