Chapter 40

51 4 0
                                    

Chapter 40



Parang tumigil ang mundo ko dahil sa narinig. No one even dare to talk as if they're still trying to process what Marineth just said.



"Sinong... Ab-lis?"inosenteng tanong ni Brianna.




"Brianna! Oh my God!"si Maricar na agad dumalo kay Brianna. "Oscar! Iakyat niyo nga muna siya!"sigaw ni Maricar na halos awayin na ang boyfriend.



"W-Wait... What?" Pati si Paolo ay hindi na mapigilang mag react.




Hindi ako makapagsalita. Hindi tinatanggap ng utak ko ang sinasabi ni Marineth. Para akong nabingi.




"A-Ate, hindi si Kuya Abrys. Hindi si Kuya Abrys..." Mas lalo siyang humagulhol.




Naestatwa ako at hindi makapagsalita. Bumalik sa alaala ko ang pag-uusap namin ni Ash no'ng nakaraang linggo at para akong sinasampal dahil sa nangyayari.





"D-Dalawa sila roon, Ate! Iyong babae na... na.. papakasalan ni Kuya Abrys pati 'yong l-lalaking... bumaril kay Mariton..."




Si... Solana. At hindi si Abrys? Hindi si Abrys ang may kagagawan?




Pero paano ang gold chain na 'yon?! Kay Abrys 'yon! Hindi ako pupwedeng magkamali!


"Tang ina, Marineth!"sigaw ni Maricar. "Tumigil ka nga sa k-kahibangan mo!" Marahas na hinila niya si Marineth palayo sa akin.



Kahit na pilit na ipinamumukha ni Maricar na hindi niya pinapatulan ang sinasabi nito'y alam kong naaapektuhan na rin siya kagaya ko.



Si Ate ay hindi na kinakaya ang nangyayari. Napasapo sa kaniyang noo at umupo nalang sa upuan. Agad siyang dinaluhan ni Noriel at pilit na kinakalma.



"A-Ate..."nangingiusap na ani Marineth. "Makipag-usap ka kay Kuya Abrys. Wala siyang kasalanan. Hindi siya ang pumatay kay Mariton!"pahisteryang sigaw niya.



"Mama? Mama!"sigaw ni Tita Anita ang nagpaahon ng kaba sa aking dibdib.




Lumipat ang tingin namin kay Lola at nakitang nakahawak ito sa kaniyang dibdib at sumisinghap ng hangin, nahihirapang huminga.




Nataranta ang lahat. Hindi ko na alam kung ano ang unang gagawin. Agad na binuhat nila Noriel si Lola patungo sa labas. Si Paolo ay agad ding rumesponde at tinungo ang sasakyan.





Sumama si Tita Anita, Noriel at Ate Maricris sa sasakyan ni Paolo patungo sa hospital. Umiiyak at natataranta na ring lumabas sila Liah at naghanap ng masasakyan. Halos hindi kami mag-usap dahil sa paghahanap ng paraan para makasunod nang maalala ko si Brianna.



"Brianna!"



Kumalabog ang puso ko sa kaba at agad na inakyat ang hagdan. Naabutan ko siyang mahimbing na ang tulog at parang nawala ang nakadagan na bigat sa aking puso.




"Marigold! Susunod na kami roon!"sigaw ni Liah sa baba tapos natahimik ang buong kabahayan.



Hindi ko akalaing wala pa sa sampung minuto... Ganito ang nangyari.




Walang lakas na bumaba ako patungo sa hagdan at nakita si Marineth na umiiyak at nandoon pa rin sa pwesto niya kanina. Nakaupo at umiiyak.




I can't feel my body right now. I am drained, numb and almost empty. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Ang daming tanong na sumasakit na ang ulo at dibdib ko sa mga naiisip.





Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now