Chapter 12

62 3 0
                                    

Chapter 12

If only I can put my tears into a bottle, surely, it's already fulled. Humikbi ako at mas lalo lang sinubsob ang mukha sa unan.

After what happened, inabala ko na ang sarili sa pagtatrabaho. I spaced out. Pati ang pagod ay hindi na napansin dahil sa sobrang dami ng iniisip.

Nanliit ako ng sobra. Hindi ko alam. Pakiramdam ko, lahat ng tao tingin talaga sa akin ay mahina. Lalo pa't lalaki si Nick. Ang sakit lang sa pride at ego ko na marinig mismo iyon sa bibig niya at sa harap ko mismo.

And he said, he likes me. Hindi man lang ako na flattered sa ideyang iyon! He's like that in front of someone he said he "likes". Paano pa kaya kung hindi niya gusto ang isang tao? Paano pa siya umakto?

Hindi ko na kinwento pa ang bagay na 'yon kay Ate. Si Kikay ay cinomfort lang ako at nagtanong sa akin kung ano ang nararamdaman ko pero hindi ako makapagsalita. I just cried and cried and cried and cried.

Crying is the most stupid things to do. Nagsisisi lang ako bandang huli dahil iniiyakan ko ang ganitong bagay. Pero kasi... nasaktan ako. At nagsama sama na ang mga sama ng loob ko. Simula sa mga sinabi ni Mam Helena at ni Lana, sa pagtrato sa akin ni Sir Abrys tapos ngayon, sa sinabi ni Nick.



Every painful thing in the world is on this house, maybe. Ang mga mapangmata, mapanghusga at mapangmaliit na mga tao ay nandito.

Sa lugar namin, kahit squatter, hindi kami ginanito!

Nakatulugan ko nalang ang pag-iyak pero kinabukasan naman, namaga ang mata ko. Napansin agad 'yon ni Kikay at sorry siya ng sorry kasi hindi niya ako na-comfort.

"Okay ka lang ba? Tawagan natin ang ate mo."pilit niya sa akin habang may pag-aalala naman ang kaniyang mga mata.

Natawa nalang ako at umiling sa kaniya. "Wala 'to!" Nag-iwas ako ng tingin.

Pinanood niya ako habang nagsusuklay. Kitang kita ang kagustuhan na maglabas ako ng sama ng loob sa kaniya pero hindi niya ako pinilit at malungkot na tiningnan lang ako.

Bumuntong-hininga ako. Paano nalang pala kung hindi ko kasama si Kikay? E'di sobrang lugmok ko na pala dito. Mas lalo lang akong malungkot kung hindi ko siya nakilala.

"Nag meet the parents na agad si Miss Ari kay Sir Zach no'ng nakaraan, 'no?"paumpisa ko ng topic para hindi niya na maisip ang tungkol sa pag-iyak ko.


Tumango lang siya at bumuntong-hininga, namomroblema pa rin sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya at kinurot ang kaniyang ilong.


"Maayos na nga ako. Wala na 'to, 'no! Tara na at magtatrabaho pa tayo!"maligayang sambit ko sa kaniya.


Hinila ko ang palapulsuhan niya patayo, nagpahila lang naman siya at hinayaan akong dalhin siya palabas.


Wala pa sila Sir at Mam nang lumabas kami kaya agad na kaming nagpunta sa dining pero may mga maid na doon kaya sa sala nalang kami nagtungo.


Sa kalagitnaan ng paglilinis, dumaan sa gilid namin ang mag-ina. Si Mam Helena at Lana. Nilingon nila ako ng matalim. Agad naman akong tumayo para magbigay galang.

"M-Magandang umaga po-"

Humalukipkip si Mam Helena. "Makapal din ang mukha mo, 'no? Ang dami daming tatrabahuhin sa labas at sa taas, talagang sinunod mo rin si Mam Milicent!"

"Bakit po? Ano pong problema, Mam?" Kumapit si Kikay sa braso ko.

Tinuro siya ni Mam Helena at pinandilatan ng mata. "Ikaw! Magtungo ka sa taas at ikaw ang maglinis doon! Prinsesa kayo masyado rito!"singhal niya na halos makapagpa-pikit sa akin.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now