Chapter 7

49 2 0
                                    

Chapter 7

Abrys

"Lagyan ko po kayo nitong alcohol tapos ointment para matuyo agad at hindi mag marka."ani Marigold nang hindi ako tinitingnan.

Napahikab ako at sinalukbaba ang siko sa backrest habang pinapanood siya. Bumaba ang tingin ko sa phone niyang tumunog pero hindi niya naman pinansin. Tatlong beses na 'yang tumutunog.

She just said that she's not having a boyfriend. Sino 'yang text ng text? Or... maybe she's lying? Baka magkaaway sila ng boyfriend niya kaya hindi niya tinitingnan?

Humarap na siya sa akin. Tumikhim ako at umayos ng upo para magamot niya na ng maayos.

Inawang ko ang labi ko. Hinawakan niya ang labi ko. Kung hindi ko napigilan ang sarili, baka napaatras na ako. Damn girl, you don't touch me like that. It affects me, alright. Happy now? Happy?

Tahimik niyang ginamot ang sugat ko. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa kaniya. And I just notice how perfect this position is. I clearly see her whole face. Bilog na bilog ang kulay brown niyang mata. Kada galaw nito'y nadedepina ang maitim at mahaba niyang mga pilik. I remember that Solana needs to wear a fake eyelashes to achieve that one.

Marigold avoided me for weeks. And I will lie if I tell that it didn't bother me. It bothers the hell out of me. Tinanong ko pa si Zach kung pinapaiwas niya ba ang maid na 'to sa akin. I don't know why am I so affected but who cares, right? Hindi lang talaga ako matahimik.

The innocent looking of this girl really caught my attention. She's not my type, alright. Siguro'y bored lang ako. Maybe that's the reason behind this unknowing affection. Ilang buwan ba naman kaming matetengga rito dahil sa misyon ni Zach kay Ari. Siya lang naman ang nasisiyahan.

"You entertain suitors?"paumpisa ko sa kaniya. Tiningnan niya ako saglit pero binaba din agad ang tingin sa labi ko kung saan niya ako ginagamot.

"Hindi po, Sir. Wala po akong balak."sagot niya.

Okay, you made your point. Para bang sinasampal niya talaga sa akin na wala siyang balak talagang ma-involve sa mga lalaki.

Pero bakit nga ba wala pa siyang balak? She's already on a legal age. Pwede na nga siyang mag-asawa. Besides, her beauty can't miss. Madali siyang makaka-attract ng lalaki.

Bakit wala kang balak, Marigold? Kahit isa lang? Kahit try lang, ayaw mo?

Napataas ang kilay ko. "You don't want to have a suitor?" I can be one.

Napainda ako sa sakit nang diinan niya ang pagkakapindot ng bulak. "A-Ay. Sorry, Sir."aniya pero mukha namang hindi sinsero.

Mukhang ginawa niya lang para maiwasan ang pagsagot sa tanong ko. At tama nga ako. Hindi niya na sinagot ang tanong ko. A very smart girl, huh?

"You don't want to have a-" Tumunog ang phone niya sa pang-apat na pagkakataon at ang akala ko, iignorahin niya. Agad na hinagilap iyon sa bulsa at dinungaw.

Tinikom ko ang aking labing nabitin lang ang sasabihin. Gumagalaw ang labi niya habang binabasa ang text message ng kung sino.

Nilagay niya ang tikwas na buhok sa kaniyang tainga. Mas nakita ko ang anggulo ng mukha niya. I tilted my head a bit and stare at her intently.

She looked naive, reserved and easy-to-get kind of girl. But in a deeper look, kung pagbabasehan ang mga interaksyon namin nitong mga nakaraang linggo, para siyang mahirap tibagin.

You will know when a girl is easy to fool. Iyong mga marupok. Iyong mga babaeng malalambot ang ilong. And... all the girls I encountered been like that to me. Sa umpisa'y masungit pero kalaunan ay hahanap-hanapin naman ang presensya ko.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now