Chapter 31

49 3 0
                                    

Chapter 31

Ito na siguro ang pinaka creepy na araw sa buhay ko. Akmang tatakbo ako patungong kwarto pero nakita ko si Abrys.

Tinakpan ko ang tainga ko kahit na walang katalab-talab dahil napapatalon ako sa bawat pagputok ng baril.

Si... Abrys. Sa kaniya galing ang mga bala. Nakataas ang kamay niya ngayon at nakatutok sa kung sino. Paulit-ulit at walang tigil niyang kinakalabit ang gatilyo. Bawat pagkalabit, tumatalbog ang braso niya. Sobra siyang sanay sa ginagawa. Madilim ang mga mata niya at sa nakikita ko, mukhang siya lang ang bumabaril. Nakatayo lang kasi siya. E' kung may kalaban, malamang iilag siya.

Namatay ang tatay ni Mam Ari. Si Angelette ay may tama. Hindi ko alam kung anong nangyari pero iyon ang binalita sa akin ni Abrys.


Huminga ako ng malalim at tumango. "Your phone."abot ko sa kaniya.

Umiling siya at bumaling sa wrist watch. "Sasamahan ko sila Zach sa hospital. Babalik din ako agad."

Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

Iyon ang huli niyang paalam habang ako'y lutang na sa mga nasaksihan.

Sino 'yong babae? Bakit siya nag send ng ganoong kanta kay Abrys? Sa lyrics ng kanta, para siyang broken hearted. Broken hearted ba siya kay Abrys? Sino ba siya? Anong koneksyon niya kay Abrys?

Hindi pinagtrabaho ni Mam Helena ang ilan sa amin kasama na ako dahil takot pa ang iba sa amin dahil sa nangyari. Karamihan ay lalaki ang pinakilos niya para maglinis.


Siguro'y pansin ni Kikay ang pagkakatulala ko kaya hindi rin niya ako gaanong kinausap.

Takot man ako sa nangyari kanina... Mas naaapektuhan ako sa nasaksihan ko sa phone. Hindi talaga ako mapalagay pero ayaw kong sabihin kay Abrys ang nakita ko. Natatakot din akong magtanong.


At... ang hitsura ni Abrys kanina. Ang pagkalabit niya sa gatilyo... Para siyang ibang tao. Malayong malayo sa kilala ko. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko nalang alalahanin ang tungkol doon dahil tumatabang ang nararamdaman ko.

Ilang araw ang lumipas, nagbalik din naman sa normal ang lahat. Maliban nalang ang pagluluksa ni Mam Ari at ang pagka comatose ni Angelette Guinevere.


Araw-araw pa rin naman ang pagbisita ni Abrys pero hindi siya umaabot ng gabi dahil nga nandito si Mam Ari Clavor. Dito na siya nanunuluyan.

"Sinubukan ko siyang kausapin."sambit ko kay Abrys. "Kaso... lutang siya. Hindi ko na pinilit. Ang sungit niya nga, e."


Tumango si Abrys at mahinang bumuntong-hininga. "Her father got shot in front of her, Marigold. Matagal-tagal pa siya makakabalik sa normal. Sigurado ako."

Tumango ako. Ganoon na nga. Iyon ang pinagkaabalahan nila buong linggo na 'yon kaya napag-uusapan din namin.


"Kamusta ang modules mo?"tanong niya.

Napakamot ako sa aking ulo. Nagkaroon na ng deduction 'yon. Last week ko pa dapat iyon isa-submit kaso hindi ko nagawa dahil masyadong okupado ang utak ko. At... medyo tinamad din.

"Baka bukas ko nalang isa-submit."sagot ko naman.

Tumango siya. "Sasamahan kita kung gano'n."

Hindi ko pa alam kung balak ko bang dumaan kila Ate o hindi. Hindi na ako cinontact pa muli ni Ate. Pati sila Maricar ay hindi rin. Hindi naman nila ako madalas kino-contact dahil ang alam nila, kami ni Ate ang madalas mag-usap.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now