Chapter 29

63 2 0
                                    

Chapter 29

Warning: R-18.

"H-Hi..."pekeng ngumiti ako.

Walang nagbago sa reaksyon niya at tinitigan lang ako ng malamig.

Lalo lang kumalabog ang puso ko sa kaba. Marahan akong humakbang papasok at iminuwestra sa kaniya ang dala dala kong cake.

"N-Nag...bake ako ng cake.. Hehe."pekeng tawa ko pa at mariing kinagat ang aking labi.

Sinulyapan niya lang ang cake tapos binalik ang tingin sa akin. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan ng nagtungo sa harap niya kahit na patuloy ang pagkalabog ng puso ko sa kaba.

Galit si Abrys! Hindi nakatulong ang cake!

Nilapag ko ang cake sa coffee table at tiningnan siyang malamig pa rin ang tingin. Mukha ngang hindi niya gusto na bumalik pa ako. Mas maganda siguro kung kinabukasan nalang ako umuwi para humupa na ang galit niya!

Tumunganga ako sa harap niya. Hindi ako nag-abalang umupo dahil gusto kong harapin siya at manghingi ng tawad.

"S-Sorry..."mahinang sabi ko. Nagkukurutan ang mga daliri ko habang tinitingnan siyang parang yelo sa lamig at mukhang hindi matitibag.

Huminga siya ng malalim at tumayo. Humakbang ako isang beses paatras. Pinasadahan niya ng dila ang kaniyang labi at nagpamulsa. Tumunganga siya sa harap ko na para bang naghihintay pa sa mga sasabihin ko.

Tumikhim ako. "N-Nagtext ako sayo kaso... wala na pala akong load." Natatarantang hinagilap ko kaagad ang cellphone sa aking bulsa para mapatunayan sa kaniya.

Binuksan ko ang cellphone ko at agad na nilahad sa kaniya iyon para makita niya ang tinext ko kanina na hindi nag-send.

Kinuha niya 'yon nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Para akong malulusaw sa titig niya! Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin.

'Tsaka lang niya binaba ang tingin sa cellphone. Siguro naman... maiintindihan niya ako. 'Wag na siyang magtampo. Pinag bake ko na nga siya ng cake.

"Who's Edison?"

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Nakakunot na ang noo niya ngayon habang nakatingin pa rin sa phone ko.

"H-Huh?"nagtatakang tanong ko at ambang dudungaw doon pero nang tingnan niya ako'y agad akong bumalik sa pwesto. Bumalik ako sa pagiging takot na tuta.

"Sinong Edison 'to?"ulit niya sa tanong kanina.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero baka nag-alala si Edison sa akin at kinuha ang number ko kay Kikay para maitext ako.

"K-Kasambahay din... sa bahay nila Sir Zach.."mahinang sabi ko.

He hummed as an answer. Pinatay niya ang cellphone ko at binaba sa coffee table tapos hinarap na ako. Umayos ako ng tayo at tiningnan siya. Malamig pa rin siya kaya hindi ako makatagal. Binagsak ko nalang ulit ang tingin ko sa aking mga daliring nagkukurutan.

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay ko para matigil ang pagkurot ko sa mga daliri. Inangat ko ang tingin sa kaniya pero wala namang nagbago. Malamig pa rin siya at parang gusto ko nalang magtago!

"Pinag-alala mo ako, alam mo ba 'yon?" Inangat niya ang baba ko para magkatinginan kami.

"S-Sorry na nga, e..."mahina at malambing kong sambit.

Pumasada ang hanga sa kaniyang mata pero saglit lang 'yon. Bumalik din agad sa pagiging malamig.

"Anong gagawin mo ngayon?"malamig na tanong niya.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now