Chapter 35

34 4 0
                                    

Chapter 35

"Good afternoon!"masayang bati ko kay Paolo.

Humikab siya at nagtungo sa banda ko. "Kanina ka pa?"tanong niya at umupo sa harap ko.

Umiling ako. "Maaga lang ako kasi dito na ako nagtanghalian. Akala ko kasi male-late ako. Naglalambing kasi si Brianna kanina. Ayaw akong papasukin." I chuckled a bit.

Kilala niya si Brianna pero hindi pa niya nami-meet. Gusto niyang ma-meet kaso hindi ko pa kayang pabisitahin siya sa bahay dahil kay Marineth. Hindi sanay si Marineth na may di pamilyar na mukha siyang nakikita. Nagwawala talaga 'yon.

Sumandal siya sa back rest ng upuan. "Nag lunch ka na pala."he said nonchalantly. "Di pa ako nagla-lunch." Tiningnan niya ako. "Kain muna tayo. Aga pa naman!" Tiningnan niya ang relo.

Tiningnan ko ang wall clock at nakitang may isang oras pa kaming libre para kumain. Hindi rin naman marami ang kinain ko kanina kaya pumayag ako.

Lumabas muna kami ng clinic tapos nagtungo sa malapit na fast food chain. Ililibre pa sana niya ako pero hindi ako pumayag.

"Kahit kailan talaga. Hindi kita nalibre." Iling niya.

"'Tsaka na kapag birthday ko." Tumawa ako.

Sa mahigit isang taon na naging close kami ni Paolo, alam kong may kakaiba sa treatment niya. Hindi ko pinapansin dahil kaibigan lang naman ang tingin ko sa kaniya at alam ko namang alam niya 'yon kaya hindi siya kumikilos.

Tinanong niya ang tungkol sa ama ni Brianna dati pero sinabi kong patay na at hindi na namin muling napag-usapan pa ang tungkol doon.

"Main branch kasi ng ECH Clinic, nasa Manila. Pwede tayong lumipat doon kung maisipan mo. Mas malaki ang pwesto."aniya at ngumisi.

Umiling ako, bagsak pa rin ang tingin sa platong nasa aking harap. "Pwede namang ikaw nalang, Pao. Hindi ko gusto roon."

Bukod sa maiiwan ko si Brianna, may iba pang dahilan. At 'yon ay dahil kay Abrys. Hindi imposible na magkita kami agad oras na makatapak ako doon unless nagtatago pa rin siya.

Ayaw ko na siyang makita. O ang kahit na sinong may kaugnayan sa kaniya. Baka sa kanila ko lang maibunton ang galit ko para sa lalaki na 'yon.

"Hindi ko naman gustong lumipat do'n. Tinanong lang kita."ani Paolo, na palagi niyang sinasabi.

Alam kong gusto niya roon sa Maynila. Bukod sa nandoon ang pamilya niya, mas gusto niya ang challenge doon kaysa dito. Ewan ko nga kung bakit palagi siyang tumatanggi kapag sinasabi kong magtungo na siya roon. Nagkukunwari pa siyang walang interes doon, e', ilang beses niya ng sinabi sa akin ang tungkol doon.

Bumalik kami sa clinic nang mag ala una. Agad siyang tumungo sa office nya dahil maaga ring dumating ang pasyente niya habang ako naman ay tinungo ang mesa ko.

Binuksan ko ang laptop. Bukod kasi sa emails na chinecheck ko araw-araw, mayroon din akong sariling website kung saan doon ako gumagawa ng blogs about being a psychologist. Matagal ko ng ginawa ang website na 'to no'ng internship ko palang at hanggang ngayon, buhay pa rin.

iam_kiaxx

hi, miss psychologist. i wanted to ask for help what should i do with my my 16 years old son. he's taking marijuana and he don't want to go to school. hope it will be the topic for your next blog. thank you!

Ito ang ginagawa ko kapag wala pa ang pasyente ko. Dito muna ako tumatambay sa site ko dahil kahit papaano'y malaki rin naman ang tulong nito sa akin. May sinasahod ako sa pagba-blog na 'to. Hindi kalakihan pero nakakatulong pa rin naman.

Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now