Kymberlie's POV
Nagising ako sa lakas ng hilik ni Atena. argh! Sakit tuloy ng ulo ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang pasikat palang ang araw.
Sandali akong nagmuni-muni bago tuluyang bumangon. Dumiretso akong kusina atska nagprepare ng mga tuna sandwitches. Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Aish! Ginagawa talaga akong alarm clock ng mga 'to.
Pinuntahan ko muna si Athena at ginising sya. Ilang tapik lang naman to gising na, madali lang naman siyang gisingin palibhasa hindi siya katulad ng dalawang naming kaibigan, kailangan pang paliguan bago magising.
Papunta na kami sa aming dalawang alagang baboy. haha! Una namin pinuntahan si Maddison. Ang pinaka antukin sa lahat.
"Bhe..." Mahina kong sabi habang tinatapik ang balikat nya.
Naka-ilang tapik na ako pero ayaw nya paring magising. Ang tindi talaga ng babaeng 'to.
Tatapikin ko na sana sya ulit pero bigla akong pinigilan ni Athena.
"Sa tingin mo magigising sa ganyan yan?" sabi ni Athena gamit ang iritado at inaantok na boses. Sumimangot ako atska umiling. Hindi nga sya magigising sa tapik. eh kasi naman! pag ginising yan kailangan ng matinding gisingan, at hindi ko nagugustuhan ang iba sa mga iyon.
Nakita kong ngumiti si Athena. At ang ngiting yon ang hindi ko talaga gusto. nakakaasar at the same time nakakatakot.
"Anong nasa isip mo?"
"kung sigawan kaya natin na may sunog. Magigising kaya yan?"sagot at tanong niya rin.
"Sige, try natin" sagot ko. Aaminin ko, ang pinaka ayaw na part ko sa araw araw na ginawa ng diyos ay ang pag gising sa dalawang to.
"Okay.....
1
2
3
SUNOG!!!"sigaw namin dalawa. At gumana naman dahil nagulat si maddison at dali daling umupo.
"SAAN! SAAN!"
PFFT----BWAHAHAHAHA!
hindi na namin napigilang mapatawa sa naging reaksyon nya. Grabe takot na takot. Ayan kasiiii. tsk tsk.
Tinignan nya kami ng masama. "ano bang trip niyo?"tanong niya. halata sa boses nya ang pagkairita. nakakatawa ang itsura nya. Namumula sya sa galit. Hahaha
"Kasalanan ba naming ang hirap mo gisingin? At...!"
"kailangan ka namin sa susunod na plano namin" pagpapatuloy ni Athena sa sinabi ko.
"Plano?" tanong ni Maddy.
"Ang gisingin si snorlacks" sabi ko
"huh? sinong snorlacks? diba sa pokemon yun? Napunta na ba sa dorm ang mga alaga ni Ash? Gusto ko makita si pikachu" sabi ni Madison na may kumikinang kinang pang mga mata.
"Tanga! Paano mapupunta ang mga Pokemon dito sa dorm? Ang slow mo talaga bes. Ang sinasabi namin ay si Yannah para kasi siyang snorlacks potek. Ang Hirap gisingin" sabi ko "including you Maddy"
Saglit silang napaisip. "tara" sabi na lang ni Athena na papunta na ngayon sa hinihigaan ni Yannah.
Grabe talaga siya, ang sarap pa talaga ng tulog niya habang kami nagiisip kung paano siya magigising.tsk.tsk.Hay..ano kaya??
habang nagiisip ako biglang nagsalita si maddison "Alam ko na buhusan kaya natin siya ng tubig.Sigurado gising yan pati diwa niyan"
"Sus! makarequest ka, eh kanina lang halos patayin mo kami ni kim sa tingin mong yan? tapos sasabihin mo ngayon yan ang irerequest mo. eh kung ikaw kaya ang ginanyan namin?"seryosong tanong ng maganda naming leader na si athena
"Sabi ko nga!"
"Ihulog nalang natin sa couch, gising yan tamo" request ko. diba? jusko mas madali pa yun. atleast hindi sya masasaktan.
"Sige yun nalang" pag-sang-ayon ni Athena. Tumango nalang si Maddy atska sabay sabay kaming pumunta sa kama nya.
Hinawakan ko ang dalawang kamay nya, tsk! kelan kaya magbabago ang isang 'to?. Si Athena sa kaliwang paa samantalang si Maddy sa kanang paa. Tinanaw ko ang couch, awww ang layo! Kayang kaya namin yan? Aish!
"Guys anlayo ng couch" sabi ko. tumingin sila sakin at ngumiti.
"Okay lang yan" -Athena
"Kaya natin yan" -Maddy
Oo nga. Kaya yan.
Sabay namin siyang binuhat. Agh shit! ang bigat nya! >.<
"Jong Ina Ang Bigat mo Yannah!" sigaw ni Athena.
"Aaaaahhh!! pucha!" sigaw ni Maddy. Ang bigat nya shems!
"Waaaa! dko na kaya!!" sigaw ni Athena.
"LECHE GUMISING KA NA YANNAH!!!" sigaw ko.
*BOOGSH!*
O______________O
Nagulat ako ng bigla kong nabitawan ang kamay nya. Maski sila Maddy at Athena nabitawan nila.
"hala sorry yannah!" halos pasigaw na sabi ko sakanya. Bigla akong natakot ng bigla syang nagising----na talagang nasa plano. tinignan nya kami ng sobrang sama. Katakot sya.
"SINO ANG NAGLAGLAG SA AKIN!!!!!!"sigaw niya.
kru.... kru.....
"SINO ANG NAGLAGLAG SA AKIN!!!"ulit niya
Nagturuan kami kung sino. Nakaturo ako kay Athena, si Athena naman kay Madison, si Madison naman sa akin. Aaah! patay na.
"OK WALANG AAMIN?!"
Ehem...
"OKAY LAHAT KAYO HINDI KO PAPANSININ!!"sigaw nya.
Nanahimik na lang ako, maski si Maddy. Pero ang ikinagulat ko ay ang sinabi ni Athena....
"edi wag"
bahala na...
------------------------------
Author's Note: this story is a half true to life
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...