Chapter Fifty

80 3 0
                                    

Child

"Hindi ako mananatili rito." Usal ko. Diretso ang titig ko sa hari na puno ng pagtutol at pagtatanong. Is he damn serious?

He shook his head. "My castle, my orders. We are not in yours. Mas makakabuti ito para sa mas maayos na pag-uusap natin. You two talk first and have your agreements on both sides," tumingin siya sa nangingibabaw na mga nilalang sa mahabang lamesa. "Out."

Umiling-iling ako at napahakbang. "And why would I talk to him?" Napalingon ako kay Veron na tahimik lang na pinaglalaruan ang pamilyar na kwintas nito sa leeg at naghihintay sa susunod na tumamang salita sa kanya.

"Mahal na Hari, sa tingin ko'y hindi ito makatarungan. Hindi ito ang pamamaraan na pagtrato natin sa mga bisita, lalo na sa mga humihingi ng alyansa." Phileis objected. I felt him moved closer to me. "Umalis na tayo rito, vasíllissa mou..." Pabulong niyang sambit sa likod ko.

I glared at King Daniel before glancing at everybody else. Queen Amalia stood up.

"Sumasang-ayon ako sa hari. Bigyan muna natin sila ng oras para sa mga kasunduan. Hindi lang ito basta pagpupulong. Isa na rin itong paghahanda," pumirma ang mga mata niya sakin. "at kung magiging posible pa, isang muling pagkakaisa." Ngumiti siya sakin.

I averted my gaze down. I heard the sound of chairs shrieking. Nagsitayuan ang mga hari't reyna mula sa kanilang mga upuan. Napasinghap ako.

"To be honest with you King Daniel, I don't see the point for this..."

"Neither do we," Maeve spoke with an unpleasant tone. "Paano namin masisiguradong hindi niya pahuhugutan ng espada ang kapatid ko?"

"She won't." Veron uttered out of the blue, assuredly.

Napabaling sa kanya ang lahat, ganun din ako. Halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha at bumalik sa pagyuko. I stared at my folded fingers, letting what he said sink. He sounded as if it he already knew...

Natahimik ang lahat sa mga kinauupuan nang gumalaw ang upuan ng Haring Lavislous. He stood up with pride and roughly pushed aside his cape. Tumitig siya sa kay Haring Daniel na agad naging mariin ang titig sa kanya. Bumuntong hininga siya bago bumaling sa mga panauhin at nagkabit-balikat.

"Palasyo niya. Out, all of us."

Walang nagawa ang lahat kung hindi'y magsitayuan na rin. Ang mga ravensiel rin sa loob at nag-uunahan nang nagsilabasan. Napahimas ako ng noo at napapikit sa inasal niya. Minsan hindi ko maiwasang isipin kung paano umasal ang haring ito.

Everyone left us except for Lord Vardaan, King Daniel, Phileis... and my father. Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko nang naglakad ang ama ko papalapit sakin ng may lungkot sa mga mata. Lungkot. Ang huli kong kita ng pagsilay nito sa mukha niya ay noong namatay pa ang ina ko, ang reyna niya. May kalayaan siya. May kalayaan siyang puntahan ako noon pa man pero hindi niya ginawa, ngayon haharap siya sakin ng may lungkot? For what? For guilt to conquer me? To make me feel responsible for everything?

Maybe... I am.

Pero sa akin ba? Sino ang responsable sa pagkatao kong ito ngayon? Who is responsible for the pain I kept hiding?

"I saw how they looked at you..." He whispered evidently when he is few steps away from me.

Tinawag na siya ni Haring Daniel para lumabas ngunit sinenyasan niya itong maghintay pa bago mahabang nagsalita.

"I have many things to say, but now's not the right time... Isang bagay lang ang gusto kong malaman mo sa ngayon," he sighed heavily. "Kailangan mong malamang hindi ka kagaya ng limang kaharian, o kung sino mang may kapangyarihang mamuno. I saw how you look at every creature from the very beginning. No matter how different they are from you. And I saw how they looked at you with hope. The way you looked at them, and them to you, is something that I have never seen before,"

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon