Chapter Fifty-eight

99 5 0
                                    

Blood and Blade

Pinukulan ko ng huling tingin si Veron sa loob ng kwarto niya bago iniwang nakaawang ang pinto. He's still asleep. All of them. And I'm starting to get worried.

"There is no doubt that they'll do wonderfully in battle. But they won't be much of a help sleeping. It's almost dusk..."

"Almost... Maaaring hindi nila alam ang kaibahan ng takbo ng oras sa mundo ng mga panaginip at dito. They think time there isn't revolving just like how we thought of it before. Kailangan na nilang magising."

I immediately saw Corvina and Adelaine in the balcony outside Veron's room. Kagaya ko ay handa na sila at hawak-hawak na ang kanya-kanyang sandata. Corvina's sharp sphere given by her mother and Adelaine's bow and arrow screams the rarest of beauty and power.

Kaming tatlo na lamang ang natitira rito sa lumang palasyo para sa sinusunod naming plano. At hinihintay nila ako. Sabay kaming tutungo sa kanya-kanyang posisyon. Plano naming palibutan lahat ng demonyong lalabas mula sa lupa sa nag-iisang lugar lang dapat. We can't risk them to be separated. If one would return to the world below then it'll probably be our end. Malalaman niya... At siya mismo ang haharap sakin.

He can brought the great war here today, but I say no.

Hindi pa ang oras para roon. Hindi pa sa ngayon na nag-uumpisa pa lang ang lahat.

Unfortunately, we're getting late because of the vampires' sleep. Pinagsisisihan ko na ngayon na hinayaan ko pang matulog si Veron na hindi ko alam na ganito pala katagal. I want him to rest so bad and it came to this. Kaninang umaga pang ni wala isa sa kanilang nagigising. At ngayon, kailangan na namin sila higit sa lahat.

"Sora... Gising na ba?" Adelaine impatiently asked when she saw me.

Agad silang humarap sakin. Sinulyapan ko ang tanaw ng balkonahe patungo sa karagatan sa labas ng nakapalibot na matatayog na selda. Papalubog na ang araw...

Bigo akong umiling sa kanila. Napamura naman si Corvina at nagtangkang tuluyang magmartsa paalis kung hindi pa siya pinigilan ni Adelaine.

Bumuntong hininga ako at tumango sa kanilang dalawa. "We should go. Alam ni Veron ang gagawin. He will be on the other side of where I am... With the other sword. Hayaan nalang natin silang ubusin ang natitirang oras nila,"

"Sigurado ka bang magiging pa sila? Sora, siguradong nasa pasukan na si Zeref at Reagan ngayon. Celestre and Sorin are waiting for us both. This place will be a warzone any moment now! At sinasabi mo pa ring wala kang balak gisingin sila?" Hinawi ni ni Corvina ang kamay ni Adelaine. She disappointingly glanced at me.

"You're damn pregnant. We let you do this despite that risk because we trust you. But what if they won't wake up in time?"

Muli siyang bumaling sa papalubog na araw sa malayo bago pinirma ulit ang mga mata sakin. "You have to wake them up, my queen..." Nag-alala na ang boses niya.

Napapikit ako bago dahan-dahang tumango. Hindi ko pwedeng iwan ang walang kasiguraduhan nilang paggising rito. And I need Veron. Them. I'm sure all of them will understand after this.

They both sighed in relief. Hinintay nilang may gawin ako pero kinuha ko lang ang lalagyan ng espada kong handa nang nakapatong sa balkonahe at diretsong naglakad papalampas sa kanila.

"Sora?"

Naguguluhang sumunod rin sila.

"Gigisingin ko sila kapag nakarating na tayo sa kanya-kanyang posisyon. My power can still reach all of them from my place. I can't wake them here yet. Veron... won't let me leave this fast..." Naibulong ko na ang huling mga kataga.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon