"Sora.."
Narinig ko ang boses niya sa isipan ko. Napasinghap ako. Ramdam ko na ang nagwawalang puso ko.
Wala sa sariling umangat ang kamay ko sa kanyang mukha.
Anong nangyayari sakin?
Nanatili ang titig niya sakin at agad binaon ang palad ko ng mga kamay niya.
Inalis niya ang mga kamay niyang nasa bewang ko at kinuha ang isa ko pang palad at nilagay iyon sa isang pisngi pa niya. Binaon niya ang mga kamay ko sa kanya.
"Warmth.." bulong niya sa gitna ng mga palad ko. Nanatili ang namumula niyang mga mata sakin. Hinimas himas niya ang mga palad ko sa pisngi.
Itinapat niya sa labi niya ang isa sa mga palad ko. "Sora.. there's.."
Bahagyang kumunot ang noo niya. "There's something. Hindi ko maintindihan."
Kahit ako ay naguguluhan rin sa ginagawa ko ngayon. Marahan akong tumango sa kanya.
"I know.."
Lumapit ang mukha niya sakin. Binitawan niya ang mga palad kong nanatili sa pisngi niya. Hinawakan at kinulong rin ng dalawang kamay niya ang mukha ko.
"Don't use your power. Hayaan mong maramdaman ito."
Nagulat ako nang galawin niya ang ulo ko pahilang. Hinawakan niya ang braso ko at bahagyang binaba ang manggas ko roon. Lumantad sa kanya ang kabuoan ng leeg ko.
Suminghap ako. "Ang sabi.."
"Hindi ngayon." bulong niya muli.
Umangat ang tingin ko sa mga bituin nang pinalandas niya ang labi niya roon bago bahagyang sinipsip ang balat ko. Naramdaman ko mainit niyang hininga roon.
Humigpit hawak ko sa balikat niya at hindi ko na napigilang pumulupot sa kanya.
Inangat niya ang isa sa mga binti ko at hinawi ang humaharang na damit ko roon. Hinimas-himas niya ng malamig niya kamay ang binti ko pataas-baba.
"Ahh.. ahh.." Napaungol na ako ng tuluyan.
Nakatuon ang pansin niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagtitigas ng bagang niya na parang nagpipigil. Humigpit rin ang hawak niya sa likod ng leeg ko.
"Sora.. I'm thirsty.."
Nayupi ko ang kwelyo niya at diniin ang sarili ko sa kanya. Gumapang pataas ang kamay niya sa binti ko. Hinila niya ako papalapit pa. Wala nang may natitirang distansya pa sa mga katawan namin.
"V-Veron--"
Hindi ko na natuloy ang pagtawag sa kanya nang masilayan ko ang mga bituin. Hindi..
Patuloy lang siya sa paghila at paghalik sakin sa leeg, baba at balikat ko. Tuluyan na akong nanigas sa katawan niya habang nakatunganga sa kulay ng mga bituin sa itaas namin.
Pula.
Walang may ibang kulay. Tanging pula lang. Kumurap ako at umaasang namalikmata lang pero nanatili ang kulay nito. Naging pula ang mga bituin sa aming dalawa.
"Sora.. respond to me, darling."
Hindi ko siya magawang iwasan o itulak papalayo. Nakikita ko na ngayon ang rason kung bakit.
I am bonded by the stars to this evil creature.
Ang mga nilalang na palaging nagtatago sa dilim, ang mga nilalang na hindi ko pa namamataan sa buong buhay ko at ang akala ko noon ay mga sabi-sabi lang sa kaharian. Mga nilalang na uhaw sa dugo at tinuturing isa sa mga mapapangahas na mga halimaw.
My world treated this creatures as evil, deceitful outcasts, and dangerous villains.
And I never expected myself--a high princess to see these creatures to be so alluringly beautiful and worthy to be seen in the light.
The shadows of the night--vampires.
***
Soundtrack of the whole story on the multimedia above. Check it out for the feels :)
"In Your Arms" by Ashley Serena & Ryan Louder
-kimsyzygy
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasiLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...