Demon
Nag-umpisa akong tumakbo. Tinipon ko sa mga kamao ko ang palda ng mahaba kong kasuotan. Mahina at mabigat ang bawat takbo ko. Pakiramdam ko sobrang bigat ng katawan ko.
Naalala ko ang huling alaala ko sa pagtakbo ng malaya. Kasama ng aking ina, sa likod na hardin ng palasyo, isang maliit na prinsesa. After that day, I never ran again. After that day, I never moved like a child again.
Walang kabataan para sa isang prinsesa. Tanging tungkulin lang ang susurpresa sa iyong bawat umaga.
Agad din akong napatigil pagkatapos ng ilang hakbang. Wala pang ilang segundo ay hiningal na ako.
I'm definitely not used to running.
Narinig ko ang mahinang aliw na tawa ni Veron sa paligid. I can tell he can clearly see me now.
"Tired already, Sora?"
Umirap ako kahit hindi siya maanig. Hinayaan kong lumabas ang kapangyarihan ko. Pinakiramdaman ko ang naaliw niyang emosyon, sa kanan.
Gumalaw muli ang mga paa ko. Kinapa ko muna ang isang puno bago naglakad sa kanan. Mabilis na nawala ang emosyon niya roon.
"Veron, would you gave me minute? Hayaan mo munang lapitan kita." Usal ko sa dilim.
Sa tuwing aangat lang ang tingin ko sa langit ay doon ako nakakaanig ng maliit na liwanag. Nakikita ko ang mga ilaw tuktok ng puno na kumakapit sa maliliit na dahon nito. Ito nalang ang nagsisilbing liwanag ko sa rito sa loob.
Wala na ang mga maliliit at lumilipad na ilaw dahil sa bukana lang sila ng gubat naninirahan.
At hindi ito patas sakin. Ngayon pa lang sigurado na akong hindi ko siya mahahanap.
Napaigtad ako nang biglang may humapit sa bewang ko at may malambot na dumikit sa mga labi ko. Gumalaw iyon at nilasap ang ibabang labi ko bago mabilis na nawala.
Kumalabog ang puso ko. "Veron Aedion, this isn't fair.." mahinang usal ko.
He can do whatever he want with me in the dark. His dominance lies here. The night of the forest was ruled by his kind.
Walang kapangyarihan ang isang prinsesang katulad ko rito.
"Run to your right, Sora."
Mabilis ko siyang sinunod. Mahina ang bawat takbo ko sa kanang bahagi. Iniihip ang suot ko ng hangin sa bawat hakbang.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Hindi ko maisip na tumatakbo ako ngayon. Pagkatapos ng ilang taon na maingat na mga galaw, mahinhin, mahina, at kalmadong mga kaunting pihit ng katawan. I am running towards a vampire.
Binilisan ko pa ang pagtakbo nang maramdaman ang papalapit niyang emosyon, kahit hindi ko masasabing takbo nga ba itong ginagawa ko o mabilis na mga hakbang lang.
"Sybella... come here my beautiful princess."
May humapit sa katawan ko, sumalubong sa mahinang takbo ko. I wrapped my arms around him.
Naramdaman ko ang mahina niyang tawa sa leeg ko nang pinulupot ko ang binti sa kanya. I'm afraid that he'll leave me again.
"You're so warm.." He chuckled.
Binuhat niya ang katawan ko at naramdaman ko ang marahan niyang pagsandal sakin sa isang puno. Nangingibabaw ang pananabik sa emosyon naming dalawa.
"Ang plano ko hayaan kang hanapin ako, Sora.." pagrereklamo niya at binaba ako. Tumapak ang mga paa ko sa lupa.
"Then why didn't you?"
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasiLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...