Chapter Nineteen

109 6 0
                                    

Emperor from the ancient world

"Tell me what you've been through,"

Sumandal ang hari sa bintana. Tinukod nito ang dalawang kamay at seryoso ang mukhang makinig sakin. Zeref sat on his chair and folded his fingers. Naghihintay rin siya sa pagsasalita ko.

"Sabihin niyo muna ang alam mo, ang mga nalalaman niyo sakin..." Naglakad ako papalapit sa mga librohan. Pinanatili ang kalmadong hangin sa loob.

Kumuha ako ng isang libro at binuklad pa iyon kahit wala naman akong balak magbasa.

"Oh, we know a lot, Sora. Some were uncertain, some were lies, complicated as it is for a High Princess like you. Pero sa ngayon, ang nakakuha ng atensyon ko ay iyong bampira mo. At isang Leventhis pa,"

Lumamig ang hangin sa boses niya. Tumikhim ako at napahigpit ang hawak sa libro.

"P-Paano? Paano mo nalaman, mahal na hari?" Imposibleng mababasa niya ang isip ko. Kahit sino sa palasyo ay itinatakwil ko. Ang isipan ko ay ang aking sariling kayamanan, hindi ako naging pabaya sa pagpahalaga nito.

"I have my own intentions to be out every night, Sora. It was just another night, when I saw you and him in the forest's opening. Noong oras na iyon, ay hindi na ako nagtaka pa," parang wala lang sa kanya ang pagkakasabi nun. Tila hindi niya ito tinitignan bilang hari. He... wasn't judging me.

"But we could never settle for this. Isa itong pagtatraydor kung tutuusin. Ang mga bampira ay uhaw sa madaming bagay, Sora. They can do many things to have these," saad pa niya.

Narinig ko ang pagtikhim ni Zeref. "Brother, it's unusual to hear, you claiming about betrayal. Hindi ba't doon tayo magaling? Ang dami mo na ngang naturo samin ni Lynea,"

Lumipad kay Zeref ang makapal na librong hinablot ng hari sa pinakamalapit na lalagyan nito. Mabilis nakailag si Zeref at kinuha pa iyon sa sahig at pinaglaruan ang mga panid.

Hindi siya pinaunlakan ng Haring Daniel at muling sumandal lang. "Kung wala kang matinong sasabihin, layas, Zerefrino." Babala nito.

Bumaling siya ulit sakin.

"You were an easy target for the vampire. You're young and barely out of our Dynasties. It was easy to manipulate you,"

Lumunok ako at isinantabi ang librong hawak. Umiling ako ng mahina. "Your majesty, we were bonded. Alam kong alam niyo na rin ito..."

Umangat ang sulok niya at napailing. Nalito ako sa reaksyon niya.

"Do you know how many females died because they were bonded to a vampire? Hindi sila pinatay. Sila mismo ang kumitil sa kanilang mga sarili nang mapagsawaan na sila,"

Nanigas ako. Bumuntong hininga ako at umiling.

"V-Veron wasn't like that. If only you knew, King Daniel..." If only you knew how he treats me.

Tumalim ang titig niya. Bakas ang hindi pag-sang ayon sa mukha niya sa sinabi ko.

"Why don't we just let her figure it out, Daniel? Dadating ang oras na siya mismo ang magigising sa katotohanan. And who might know? This might make her stronger as a ruler." Humilig si Zeref sa upuan at masuring pinasadahan ako ng tingin.

Napaigtad ako. Mariin na titig ang ipinukol ko sa kanya. "Wala kang alam, Zeref!"

"Ikaw ang walang alam, Sora. Ginagamit ka lang niya. Alam mo bang inaatake ngayon ng mga bampira ang mga palasyo natin?"

Natikom ko ang baba ko sa nabanggit niya. I've heard it from my father and the Duke. Hindi malinaw sakin pero nadinig ko iyon.

"W-What? Why?"

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon