Chapter Thirty-five

66 4 0
                                    

Entrance

Sa kalagitnaan ng mabilis at malayo-layo nang paglusob namin sa hangin ay mistulang umawang ang kalangitan. Mariin akong napapikit bago pinagmasdan ang bahagi ng langit. I know what this means.

They finally felt the remedy of my presence on their land.

"Mga ravensiels, Spirit. They've sensed us. Kailangan nating bilisan..."

Umalulong ng malakas ang puting lobo. Wala sa sarili akong napasinghap nang mapansin ang malapit na pagkapantay.

I'm running with a majestic white wolf whom pledged its loyalty to me, and we are onward to the White King. Ang haring hubog ng katahimikan, at kaguluhan. At ang taong lobong unang nagdala ng espada sakin. The first came from the werewolves, today is from a King.

Nanatili ang tingin ko sa bumubukang parte ng ulap. Lumabas ang kakaibang uri ng liwanag na tanging sa mga pinakamataas na uri ng nilalang lamang makikita.

Humugot ako ng hininga at hinanda ang sarili. Mahigpit ang kapit ko sa espada at sa balahibo ng lobo ni Calum habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa taas. Come on, chase me. Your princess has revealed herself in Deacon. Oras na para sa kahariang ito na makita ako at ang dala-dala ko.

I started seeing their wings. Spirit's run became faster and hostile, he growled loudly to the air as we nearly approach the last boarders and to the towering gates. Mukhang inaasahan nga kami ng hari.

Bukas ang naglalakihang mga pinto ng matatayog na pader na nakapalibot sa kanyang buong palasyo.

"W-Walang kawal?"

Naguluhan ako sa pagmamasid roon. Sandali akong nag-isip. Pinagbabawal ito. Hindi pwedeng walang mga bantay sa bukana ng palasyo ng hari. Kahit ang hari pa mismo ang nag-utos sa kanila na lumisan ay hindi tatanggi sila. The duty of the knights were always promising, I'm sure they wouldn't--

Unless...

Mahina akong napatawa sa sarili. "Selera. She did cleared our way..." Bulong ko habang yumuyukod sa may katulisang tenga ni Spirit. Batid kong nalilito na rin siya sa tinatanaw na mga pinto.

His run slowed after hearing what I said. The wolf made a small yelp before getting back into his speed again.

Lumingon ako sa kalangitan, nagsilabasan na mula roon ang pangkat-pangkat na magigiting na mga nilalang na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubusang mapaniwalaan na bumababa na sa lupa.

Mabilis pumihit sa ere ang mga pakpak nila at lumipad pababa patungo sa likuran namin.

Their faces were covered with armor and their hairs were veiled as usual. Bihira lang lang sila magpakita ng mukha kapag nasa labas ng palasyo o nasa ibaba ng mga ulap. Isa ito sa mga kahinaan ko. Matatalino sila. I can't use my power against them if they were not seen.

"Hindi ko sila mapipigilan. Masyado malakas ang presensya nila..."

Selera must've not expected them, neither do I. The king of Deacon was never dependent and welcoming to them.

"Prinsesa ng Vedalli! Inuutusan ka naming tumigil sa ngalan ng Deacon!"

Napaigtad ako sa malakas na pagsigaw sa likuran namin. Nagsitaasan ang balahibo ko sa boses niya. Bakit ang ganda ng tinig niya kahit sumisigaw ng nagbabantang utos?

Hindi ako lumingon, hinigpitan ko lang lalo ang hawak sa espada na parang kumakapit sa karapatan ko bilang prinsesa. I'm still higher than them, I am not taking orders.

"Mapipilitan kaming saktan ka sa oras na hindi ka tumigil! Tumapak ka sa kaharian ng Deacon ng walang permiso mula sa hari. Isa itong kalapastanganan!"

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon