Chapter Fifty-five

84 7 0
                                    

Golden Blood

Dumating na ang umaga. Ang mga naglalakihang mga bangka na nangunguna ay tuluyan nang naabot ang isla. Wala akong ibang dala-dala sa dibdib ko sa pagbaba sa bangka at pagtitig sa mga naglalakihang rehas kung hindi pangamba at bigat lamang sa puso.

The rest of the Ischyróteri remain on the sea after we gave them our final instructions, while we head on to the gates of the caged place. As discussed, kami lang ang papasok. Walang oras ng pag-atake ngayon ayon kay Veron. Ito ang perpektong oras para sa pansamantalang paghaharap namin sa kanila.

I will hold no army with me when I face them.

Hindi ako narito para magmayabang ng kapangyarihan. Narito ako bilang isang reyna na may hinahangad na mapayapang pagkakaisa para sa lahat. Hindi ko alam kung ang mga naririto ngayon ay ang mga natitira na lamang na mga bampira sa Astraea. Maaari. If vampires were seen in the open they are already dead. The ones who lived might be the last ones gathered in here.

Umaga at maganda ang liwanag ng araw at ng karagatan pero tila dumidilim ang bawat panig ng paningin ko habang papalapit kami sa pasukan. Veron's hand was already gripping mine while we made our way to it. The princes and princesses behind us. Mabibigat rin ang bawat paghinga nila at ramdam ko rin ang kanilang kaba.

The dragons landed near us. They didn't let us walk further away from the shores. Tila ba nararamdaman nila ang panganib sa loob, ang kakaibang uri ng kaharian, ang marka ng kadiliman. Kailangan pa sila naming paamuhin bago magpatuloy sa paglalakad patungo pintuan ng mga rehas.

"Fly... Fly, now... Zeref, hindi pa rin sila lumilipad. I think there's something wrong..."

Napalingon ako kay Adelaine. Nanatiling nakaharang ang mga naglalakihang pakpak ng asul na dragon sa daraanan niya. The same as the rest of ours.

"There is something wrong, Adelaine. Hindi na parte ng teritoryo ng limang kaharian ang papasukan natin. This is beyond the places they've been... H-Hey!," usal ni Zeref habang tinutulak-tulak siya pabalik ng dragon niya pabalik sa kinatatayuan nito.

"Hayaan nalang natin sila sa lupa. Babalikan naman natin sila rito bukas, hindi ba?!" Sigaw ni Celestre sa itaas. Her dragon flied her away from the ground, preventing her from taking another step above the shores.

Nawala ako sa balanse. Napingiti ako at bumaling sa sarili kong kaibigan. Marahan kong hinimas ang matigas nitong mukha. Its colossal face is bigger than my whole being. I stare at its deep eye that is looking directly to me. Wala akong iba naanig sa magkahalong itim at pulang mga nito kung hindi ang sariling repleksyon.

It let out a small whimper on my touch.

Naalala ko ang mga panahong nakuha ko ang loob nito. Hindi nila gustong magpakita sa madaming nilalang noon. Sanay sa pagtatago sa mga ulap dahil ito na ang pamamaraan nila noon pa man. But I freed them slowly. There is no reason for them to hide. Maaaring nakikita ni Haring Lavislous na sila'y kinatatakutan ng karamihan kaya pinili niyang itago sila, pero hindi na ngayon.

They are more than beasts. They are more than the cause of wildfires. They are our wings.

"Kailangan na naming umalis... I will come back for you tomorrow..." mahinang sambit ko rito.

Umungol lang ito at mas lalo pang tinakpan ang mga naglalakihang puno na maanig ko mula sa loob gamit ang mga pakpak nito.

Another hand grazed on its molten skin with mine. I rested my head on Veron's shoulder. Gumapang ang kamay niya sa likod ko. Pareho namin tinitigan ang nagmamatigas na dragon.

"I can command them away if you want..." He softly whispered against my hair.

"Y-You can do that?"

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon