Yearn
Ikatlong gabi nang pagtakas ko sa palasyo ay may halong kaba akong nararamdaman.
Hindi dahil kay Enoch. Hindi na na ako nasurpresa pa sa mahikong iyon at ng pamamaraan niya ng pagtuklas ng mga bagay-bagay.
He's more powerful than any wizard.
Kinakabahan ako dahil sa balitang dumating kanina sa palasyo habang nagpapahinga ang aking ama. Dumating ang Duke mula sa palasyo naming nilusuban ng mga bampira noong ilang araw na nakalipas.
Nakakapagtaka dahil hindi maaaring umalis ang mga duke namin saan man sa aming palasyo. Higit sa lahat, napakalayo ng nilakbay niya. Hindi siya pupunta rito kung hindi ganun kalala ang nangyayari sa palasyo namin sa silangan.
Ang Vedalli ay may apat na iba pang palasyo, ganun din ang apat pang matataas na kaharian. Sa timog, silangan, hilaga, at kanluran ng Astraea. Pinatayo ang mga palasyo namin para sa simbolismo ng limang kaharian na namumuno sa iba pang uri ng mga hari't reyna at maharlika.
Pinamumunuan ang mga palasyo namin ng Duke at mga Archduke, depende sa resulta ng kanilang pangmataasang uri.
Hindi ko lubusang napakinggan ang pag-uusap ng Duke at ng aking ama pero dinig na dinig ko ang unang mga katagang binitawan nito bago pa ako nakalabas.
"They wanted it back, my king. They are wanting their kingdoms back. Ginagamit nila ang mga bampira." saad nito.
Isang bagay na ikinabahala ko. Sino? What kingdom?
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad nagpatawag ng pagpupulong ang ama ko sa lima pang kaharian. Naramdaman ko rin ang bahid ng galit na bumubugso sa kanya kanina.
"Sybella.."
Umungol si Veron habang hinahalikan na naman ang paborito niyang parte ng katawan ko. My neck.
My sleeves were moved down on my shoulders again. Nasa pagitan siya ng mga hita ko habang sinasamba ang leeg ko ng mga mararahas niyang labi. He pushed me back to the tree.
Napamulat ang mga mata ko at bumalik ang atensyon ko sa kanya. Masyado akong nabahala sa mga nangyayari ngayon. I needed this. I needed my vampire.
Kung pwede ko lang siya makasama buong araw ay hindi ko talaga siya papakawalan.
I gripped his hair beneath his hood. Hinahalikan niya ako nang may talukbo pa rin. Pakiramdam ko parte na ng mga bampira ang pagsusuot ng mga ito para itago ang mga sarili.
"Sybella.. darling, your so beautiful and mine." Inangat niya ang ulo niya at nagtama ang aming mga mata bago yumuko sakin. He conquered my lips.
Napaungol ako. Mula sa mga hita ko ay gumapang ang mga kamay niya papunta sa mukha ko. He cupped my cheeks, holding my face.
"Veron,"
Hinawakan ko din ang mukha niya at bahagyang nilayo siya sakin. I can't think if he keeps doing this to me. Marami akong gustong malaman tungkol sa kanya.
"Yes? Do you want to change positions?"
Napairap ako sa kanya at tinapik ang likuran niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa paghuhuli ng labi ko.
"How could you control yourself from thirst if you're this close to me? Ang alam ko hindi nakakapagpigil ng matagal ang mga bampira sa uhaw nila.." sambit ko.
Tumigil naman siya saglit bago bumalik sa leeg ko.
"That's a lie, Sora. We can always control our thirst if we put effort on it. Ano pa ang ibang kasinungalingan na ibinaon nila sayo?"
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasyLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...