Chapter Thirty-seven

87 5 0
                                    

Blade

"Sora? Come on, talk to me... A-Anong nangyari sa loob? What happened to you? Sybella... Shit!"

I shook my head again and covered my face withy palms. Patuloy ako sa paghugot ng malalamin na hininga at pinapakalma ang sarili.

"M-Mahal na prinsesa? Ayos lang po ba k-kayo?" Rinig kong nag-aalalang boses ni Calum.

"Darling? I'm here... I love you. Please tell me you do too..."

I felt his breath on the back of my palms, his hand carefully stroking my fingers and tried to pull them of my face. Iniwasan ko ang malalamig at nag-aalalang mga pagdausdos ng mga haplos niya. Wala ako sa sarili para sa mga ganito ngayon.

Breathe, Sora. Pinilit kong paulit-ulit na isipin iyon para sa sarili. Pagkatapos ng lahat nangyari sa loob... hindi ko pa yata lubusang napoproseso lahat ng mga sinabi niya.

"Tandaan mo, gaano man karami ang mahahawakan mong mga espada, ang pinakamakapangyarihang sandata ay magmumula sa iyong mga dugo... sapagkat ito ang namumuno sa kanilang walo..."

Umungol ako at sinapo ang ulo sa pagbalik ng mga kataga niya. The moment I got out from that room, everything seemed to be different, changed, reborn. Sa tingin ko'y masasagot ko na ang katanungan sa hinaharap, at kung magiging sino nga ba ako sa mundong ito.

I just didn't expect myself to be that kind of quee--someone who would someday, start a conflagration of thrones.

"Oh, fuck this... What have you done to her?!"

Tumilapon ang isang bagay na nasa harapan ko at may sumunod pang pagkatumba ng ilan pang mga kagamitan. Inalis ko ang mga palad sa mukha at agad hinanap ng mga mata ko si Veron sa silid ng pagtitipon ng palasyo. I almost forgot about this temper of his.

Nakita ko siyang nanlilisik na hawak-hawak na ang kwelyo ng Haring Daniel na tamad na ismid lang ang ginawad pabalik sa nawawala na sa sariling si Veron. Nararamdaman ko na naman muli ang pamilyar na emosyon niyang ito.

I got up from my sit and went to them. Natumba ang ilang mga silya at disenyadong mga kargamento rito sa malaking kwarto dahil sa pagragasa nito. I sighed and pasted my eyes on his shaking back. Inabot ko ang kapa ng talukbong niya at hinila-hila iyon.

"B-Bitawan mo ang hari. H-He did what's right. Dapat siyang pasalamatan dahil nagkaroon ako ng pagkakataong maliwanagan pa sa mga gagampanan ko, natin. I know exactly what to do now..."

"Do you really? I don't think so. Wala akong pakialam kung ano ang nasaksihan mo sa loob. I don't trust this king, Sora. I knew what he's up to, he was only using you for his benefit. This king is too selfish," he hissed. His grip tightened on the King's collar. "I am warning you. Don't bring my Sora into your game. I could kill you, Daniel,"

Umismid ulit ang hari at tumingin sa kanya. "I thought we were friends, Levinthes? Bakit naaabot agad sa patayan ito? Hinahamon mo ba ako? You must've forgotten, old friend. You are in my territory,"

"You must've forgotten as well, you are only a king. I am still higher than you if history speaks."

Gusto kong mapapikit sa kanilang dalawa. Dumadagdag lang sila sa sakit ng ulo ko. I'm trying to pattern everything in my head, from the histories that my kind of blood was involve and the swords to what I've learned inside her room. Ang pagkilala sa isa't isa ng dalawang ito ay dumadagdag pa.

I let go of Veron's cape and stood firmly behind him.

"What lies have you manipulated her this time? Hindi pa ba sapat ang pinaniwala niyo sa kanya? From the day my Sora was born all of you fed her lies. I can take the lies because I know her heart will still recognize justice. But not danger, you are bringing her that, aren't you?"

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon