Curse
Sa unang pagkakataon tinalikuran ko ang aking ama. Dire-diresto akong lumabas mula sa silid niya. Narinig ko pa ang dismaya niyang pagtawag sa pangalan ko noong oras na tumalikod ako sa kanya.
"Mahal na prinsesa..." mahinang tawag sakin ng tagapagsilbi nang lumabas akong habol hininga.
Akmang hahawakan niya ako. Tinaasan ko siya ng kamay at tumango. Senyas na hayaan lang ako. I need to calm on my own. Baka lumabas na naman ang kapangyarihan ko nang wala sa oras.
Huminga ako ng malalim. Walang balak ang ama ko na ibuklad ang nakatago sakin hanggang sa maging reyna ako. Ibig sabihin kailangan ko pang ikasal, koronahan, umupo sa trono at lahat-lahat. Pero sigurado na akong nabasbasan ako.
They did something to me.
I could easily charge King Lavislous and Queen Amalia right now. Nasa palasyo pa rin sila ngayon at alam ko ang bawat silid ng hari't reyna sa tuwing naririto sila. Magagawa ko siyang sugurin ng mga katanungan.
Bakit?
"Prinsesa Sora..." nag-aalalang tawag ulit sakin ng tagapagsilbi.
Pilit kong binigyan siya ng ngiti. Ayokong nag-aalala sila dahil lang nalilito ako. Malalagot sila kapag may nangyari sakin pero sariling problema ko ito ngayon.
Kumapit ako ng mariin sa damit ko.
"C-Can you leave? All of you. I want to be alone."
Nagkatinginan ang dalawang kawal sa likod ng mga tagapagsilbi. Yumuko sila sakin.
"Mahigpit pong pinagbawalan kami ng iyong ama na hayaan kayong maglakad ng mag-isa, mahal na prinsesa." Magalang na sambit ng isa.
"Kahit ngayon lang. Ito lang ang tanging pinakiusap ko sa inyo sa loob ng bawat araw na nakasunod kayo sakin. Kahit ilang oras lang, huwag niyo muna akong tratuhin na prinsesa."
"Pero, prinsesa po--"
Umiling ako sa kawal. "Pakiusap. Hindi araw-araw kaya kong maging prinsesa para sa lahat. Nakakapagod din."
Natahimik at napayuko ang dalawang kawal. Muli silang nagkatinginan. Ang mga tagapagsilbi ang kumampi na rin sakin at sinusubukan sila pakiusapan na hayaan muna ako ngayon.
"Kahit kailan, hindi pa humihiling satin ang prinsesa. Hayaan na muna natin siya..." sambit ng isa.
"Walang balak lumabas ang mga hari't reyna sa kanya-kanyang mga silid. Katatapos lang kahapon ng matagal nila pagpupulong." Usal pa ng isa.
Napaigtad ang tenga ko. "P-Pagpupulong?" mahinang bulong ko. Ang iba ay patuloy kinakausap ang dalawang kawal.
Lumapit siya sakin ng bahagya at tumingin-tingin sa paligid bago mahinang bumulong. Tinakpan niya ng palad niya ang baba niya at tumango.
"Oo, mahal na prinsesa. Nakakapagtaka. Hindi kami pinayagang pumasok sa silid na pinagpulong nila. Gabi na iyon at kaninang madaling araw na sila natapos," Bumakas sa mata niya ang pagkalito. "Hindi naman nagpupulong ang lima kapag gabi, hindi ba?"
Umawang ang baba ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Pagpupulong. Bawat pagpupulong ay pinapaalam sakin. Tago man iyon o hindi. Lahat ay sinasabi sakin.
"A-Alam mo ba kung tungkol saan?"
Kumulubot ang mukha niya at umiling. "Hindi, mahal na prinsesa. Pero kasama nila ang Duke roon..." Kumunot ang noo niya. "Bakit, prinsesa? H-Hindi niyo po ba alam?" tanong niya.
Bumilis ang paghinga ko. Hindi ko siya sinagot at hinarap ang iba pang tagapagsilbi at ang dalawang kawal.
"I had to go."
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasyLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...