Chapter Seven

178 9 2
                                    

Hidden

Kinabukasan ay wala na akong inisip pa kundi ang muling pagsapit ng gabi. Hindi rin ako nakatulog ng maayos sa pag-iisip sa mga halik, mga paglandas ng mga malalamig niyang palad sakin at ang napakaputi at perpekto niyang mukha.

Ang napakagandang malumay niyang dugong mga mata na nakatitig lang sakin.

"Sora,"

Hindi ko inakalang iilaw pa ang mga bituin sakin pagkatapos ng napakahabang panahon. At sa mismong gabi pa talaga ng araw na dapat ay ikakasal ako.

"Sora?"

Paano kaya kung hindi ko siya pinuntahan kagabi? Isang malaking parte ng buhay ko ang sasayangin ko kung hindi ako bumalik.

"Sora!"

Napasinghap ako sa boses ni Dalia. Bumaling ako sa kanya na kunot noong nakatitig sakin ngayon. Hawak-hawak niya si Hyacinth sa isang kamay niya.

"Are you okay? Kanina ka pa tulala riyan sa bintana at nakatingin lang sa gubat." saad niya.

Inayos ko ang sarili ko at pilit na ngumiti sa kanya. Pinagsaklop ko ang mga kamay ko. "Dalia, umilaw na ba sayo ang mga bituin?"

Halatang natigilan siya sa tanong ko. Naglakad siya papunta sa higaan ko at umupo roon kasama si Hyacinth. Napaisip siya saglit bago umiling.

Hindi pa sila maaaring umalis sa palasyo sa ngayon dahil sa nangyari. Sinisigurado muna ng mga ravensiel na ligtas ang lahat bago umalis ang mga maharlika.

I haven't seen Enoch yet. Pero ang sabi ni Dalia ay nasa palasyo lang daw siya at nagtatago para sa katahimikan.

"H-Hindi ko pa inaasahan iyon sa ngayon. Bakit?"

Mahinang umiling ako at binalik ang tingin ko sa gubat. Sinigurado kong nanatiling nakasarado ang isipan ko mula sa kanya.

"Don't tell me.."

Napabaling ako sa kanya. Gulat niya akong tinignan.

"You and Adrenyi. Kaya ba nakatingin ka sa gubat? You were longing for your ruined wedding!"

Nanlaki ang mata ko sa kanya at mabilis na umiling.

"H-Hindi! Hindi sa ganun, Dalia. Naisip ko lang ang tungkol sa mga b-bituin.." pagrarason ko.

Natigilan naman siya bago tumango-tango. Nilaro niya ang batang elf sa higaan ko.

"K-Kamusta na nga pala ang aking ama?" Pag-iiba ko ng usapan.

Simula pagkarating ko rito kagabi ay hindi ko na napuntahan pa siya. Masyadong nagmamadali ako sa pagpasok at mapag-isa sa kwarto ko.

Ngumiti-ngiti siya kay Hyacinth bago bumaling sakin. "King Bonavich's fine. Naalis ko na ang lason sa kanya pero kailangan niya pa rin magpahinga. Inaabiso kong huwag muna umalis ang hari rito sa palasyo ng ilang araw."

Tumango ako at binalik ang tingi ko sa bintana. Sa gubat. Sumiwalay ang maliit na ngiti sa labi ko at hindi na makapag-antay pa sa muling pagsapit ng gabi.

Ilang minuto ang nakalipas ay may kumatok sa pintuan ko. Napabaling ako roon. Naglakad naman si Dalia para buksan iyon.

"Yes?" tugon ni Dalia.

Sumilip ang isang tagapagsilbi sa amin at yumuko.

"Prinsesa Sora, oras na po ng pagkain." Mahinang saad nito.

Bumuntong hininga ako at tumango sa kanya. Umalis ako sa pagkaka-upo mula sa aking upuan at inayos ang damit kong bahagyang nayupi.

Nanalamin rin ako para siguraduhing walang dumi sa mukha ko. Kailangang maging replesentable ako lalo't na't alam kong naroroon si Haring Lavislous na may galit sa dumi.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon