Princess
5 years after the last intruder...
"Prinsesa Sora, pinapatawag na po kayo ng inyong ama."
Marahan kong binaba ang librong binabasa ko at tumingin sa tagapagsilbing nagsalita. Binigyan ko siya ng ngiti.
Hinawakan ko ang palda ng mahaba kong damit para tumayo. Sinarado ko ang libro at mahinang nilapag iyon sa mesang katabi ng upuan ko. Pinagsaklop ko ang aking mga palad.
"Susunod na ang prinsesa," tugon ni Adrenyi, isang prinsipe galing sa Timog ng Astraea. Tila nakuha niya ang nais ko.
Yumuko sa amin ang tagapagsilbi bago lumabas.
Bumaling ako kay Adrenyi na nakaharap sa bintana at nakapamulsa. Sinulyapan niya ako at binigyan ng ngisi. Umiling ako sa kanya nang mapansing ginamit niya muli ang kanyang kapangyarihan.
Such a reckless prince.
"Adrenyi, huwag mo na ulit gagawin iyon sa mga tagapagsilibi. Masamang paapoyin ang kanilang mga buhok." marahang saad ko sa kanya.
Pagkalabas ng tagapagsilbi ay may bahid na pagkaparirala na ang kanyang buhok. Tila sinindihan ng apoy upang ialis sa pagkapantay.
Ngumisi lang ang prinsipe bago tumingin muli sa bintana. No wonder why my father chose him to be my husband. Walang nakakapag-umapaw pa sa kaniyang kagwapuhan at kadakilaan.
Maliban nalang siguro sa tagapagmana ni Astraea na matagal na panahon ko nang hindi nakikita.
Napabuntong hininga ako at tumabi sa kanya sa bintana. Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang mahabang kong buhok. Sinuklay-suklay ko ang ilang hibla.
"Where is the heir now, Sybella?" mahinang tanong niya habang nanatili ang tingin sa kalangitan.
"Sora, Adrenyi. Sora." pagtatama ko sa kanya. Hindi ako sanay na tawagin pa sa ibang pangalan bukod dun.
Bilang prinsesa na nakapaloob sa limang kaharian, kailangan magiging pantay ako sa lahat, kahit pa sa pagtatawag sakin. Hindi porke't magiging isa na ang kaharian nila sa Vedalli ay pwede na niyang tawagin ako sa paraang gusto niya. It's still a big deal for me.
Mahina siyang tumawa. Bumuntong hininga ako bago siya sinagot.
"Hindi ko alam. Matagal na panahon ko na siyang hindi nakikita," kalmadong saad ko.
"But I can see many things changed, and all of them are good," Tinitigan ko ang kabuoan ng aking kaharian. Ang kaharian ng Vedalli. Ang aking magiging obligasyon sa bukas makalawa.
Hindi ako makapaniwalang magiging reyna na ako nito.
Tumikhim ang prinsipe sa tabi ko.
"Kung ganun, tuluyan na nga niyang inabanduna ang pagiging hari."
Bumaling ako sa kanya. Sinalubong ako ng kanyang kunot noo at mapakla akong ngumiti.
"Sa buong Astraea, ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Alam kong kasalukuyang nasa himpapawid si Laurent at tinutugon ang lahat ng tumatawag sa kanya. Please, Adrenyi.."
Umalis ako sa tabi niya at pumunta sa harapan ng salamin ko para tingnan ang itsura ko bago humarap sa aking ama. "Don't say those things. You weren't there when it happened."
Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang aking mukha. Maputi at pinong balat, gintong buhok at maamong mukha. Many envy me because of this beauty.
Kahit ako nanaising palitan ito kung pwede dahil ayokong may mga nilalang na kinasusuklaman ako dahil sa mukhang ito. Ngumiti ako sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasyLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...