Ikatlong Espada
"M-Matagal ka pa diyan, Veron?"
Nagsitaasan ulit ang mga balahibo ko sa hindi mabilang na pagkakataon nang maramdaman ang paggapang ng kamay niya sa leeg ko pababa sa dibdib at hiwa sa gitna. Lumunok ako at suminghap.
Hindi niya ako sinagot at nanatiling kunot ang noong nakatitig sa leeg, braso, at panga ko na parang may hinahanap. Napasandal ako ng tuluyan sa punong pinagsandalan niya sakin at hinilig ang ulo ko roon.
Umangat ang tingin ko sa mga nakatitig na bituin. Bakit ang tagal niya?
"Veron Aedion! Bakit hindi mo sabihin sakin ang hinahanap mo? I thought you agreed... Nagsasayang ka ng oras. Hindi mo naririnig ang mga alulong ng mga lobo?" Hindi ko na napigilan ang pag-aasik.
Lumalapit na ang mga alulong at hindi pa rin kami nakaalis sa kung nasaan mang parte ng gubat kami ngayon. Ang buong akala ko ay pumayag siya sa usapan?
Naramdaman ko ang isang daliri niyang sumisindot sa gitnang parte ng leeg ko. He slightly pushed my head to the side.
"I'm looking for a spot." He muttered in a low tone.
"What spot?" I exclaimed.
Kanina pa ako namumula sa pinaghalong hiya at kawalan ng pasensya sa bampirang 'to. Ang tanging gagawin lang naman niya ay kumagat!
He glanced up at me and sent me daggers with his eyes. "It's not as easy as you think, Sora. Batid kong hindi mo pinag-aaralan ang tungkol sa mga bampira kaya hindi mo alam ang tungkol dito. Do you know how hard this was for me?"
Napakagat ako ng labi. He read my mind.
He tilted my head again. Wala akong magawa kundi hayaan siya sa tila 'pag-iingat' na ginagawa.
"It's just a bite..." Sambit ko.
Nakababa na ang dalawang manggas ng kasuotan ko at hinubad ko na rin ang suot kong talukbong. Nakasampay lang ito ngayon sa isang sanga ng punong sinasandal ko. May takot pa sa dibdib kong baka magising namin ang mga engkantada sa gubat na ito kung mayroon man.
"Hindi bastang kagat ang gagawin ko, Sora. It's from you... It's yours. I won't be able to remember the word control,"
Nangatog ang mga tuhod ko bigla.
"W-Was that b-bloodlust?"
Naalala ko ang pag-uusap ko sa babaeng bampira kanina. Hindi ko nagawang intindihin ang ibig niyang sabihin sa salitang iyon.
"Yes..." Walang pagdadalawang isip na sagot niya.
Tumigil ang paggapang ng mga kamay niya sa isang parte ng balikat ko. His fingers slightly pressing against my skin like he's checking for something.
Bumuntong hininga ako. Binalik ko ang tingin sa mga bituin. Nagtataka na ako sa kanya.
"What exactly are you looking for?"
"Your thicker spot. It will lessen the pain,"
He looked at me. "Sybella, I don't want to see you in pain. My fangs are venomous... It will cause you more pain than you ever felt. Hindi ko gustong gawin ito kaya sasabihan ulit kita. What you want me to do is not a game, Sybella. Don't you think I don't where was this all coming from? We're both lusting, and you're letting your body. Sabahin mo sakin, ilang taon ba ang nakalipas na hindi ka nararamdaman ng temptasyon?"
Napababa ang mga mata ko mula sa pagtitig sa langit at dumiretso sa kanya. "Ikaw? Ilang babae ba ang nakagat mo na bago ako? Why won't you want this? Was that so hard to do? Kapag ako na, Veron? Pero nakakasigurado naman akong hindi mabilang ang mga babaeng nakakagat mo..."
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasyLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...