Chapter Five

182 10 1
                                    

Bonded

"V-Veron.."

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at bahagyang naglakad papalayo sa kanya para dumistansya. Hawak-hawak ko ang kwintas ko sa leeg habang binabalik ang kapangyarihan ko sa katawan. Sumunod sa likuran ko ang maliliit na nilalang.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang emosyon nila. Lumiit na ang nakapalibot sakin.

Bumaling ako sa likuran ko upang tingnan ang ilan sa kanilang hindi na nakapalibot sakin. Umawang ang baba ko sa nakita.

Ang buong inaasahan ko sa kanila ay takot at pagkasuklam dahil sa presensya ng isang bampira rito. Inaasahan kong mas lalo pa silang sumiksik sa likod ng aking buhok at magtago. What's this?

Ang umiilaw na nilalang ay pinaglalaruan na ngayon ang magulong buhok ni Veron. Ilan sa kanila ay hinihilig pa ang sarili sa kanya at nakapikit na parang dinadama ang malamig niyang katawan. May ilang lumilipad palibot lang sa kanya at sinusubukang kunin ang maitim niyang kapa na nakapulupot sa kanya.

Kumunot ang noo ko kay Veron. Bahagyang nagtigas lang ang bagang niya at iritadong nakatitig sakin habang hinahayaan ang mga nilalang na palibutan siya.

"This is why I don't want them around.." Nagtigas ang bagang niya at mahinang binugaw ang dumapo sa ilong niya. "Masyado silang baliw sakin, Sora." Pagsusumbong niya.

Inayos niya ang talukbo niya na inalis ng mga ito.

Napaigtad ako. Isa siyang bampira. Ang mga nilalang lalong lalo na sa loob ng gubat ay kinasusuklaman sila dahil sa iniiwang mga bakas nila. Sa gubat sila madalas gumawa ng pagpatay.

"Hindi ko maintindihan.." Lumapit ako sa kanya. Nagsilapat sakin ang ibang nilalang na nasa kanya. "Hindi sila natatakot sayo?"

Tumaas bahagya ang kilay at bumuntong hininga. Tila inaasahan na niya ang pagkagulo ko.

"You have no idea."

Malalim ang mga mata niyang nakatitig sakin. Hinihila na naman nito paalis ang kapangyarihan ko.

"Sabihin mo sakin, gaano na kalala ang imahe ng mga bampira sa mundong ito?" mahinang tugon niya.

Napasinghap ako. Umiling ako sa kanya. "K-Kayo ang gumagawa ng sarili niyomg imahe.."

"Do we really? Kami ba ang nagbaon sa inyo ng mga kwento tungkol samin?"

Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Walang kahit anong kaba o pagkailang ang nararamdaman ko sa kanya.

"Listen to me, darling.." He took a step. Lumapit siya ng bahagya sakin at inangat ang tingin ko sa kanya gamit ang kamay niya sa baba ko.

"Hear me out."

Tinitigan ko siya. "Are you using your compulsion on me, Levinthes?" Tanong ko.

Gumihit ang kunot sa noo niya sa sinabi ko. Hindi makapaniwalang titig ang pinukol niya sakin.

"Sinusubukan mo ba akong linlangin para sa bitag mo?" Kalmadong usal ko. Mahina kong hinawakan ang malamig niyang kamay pababa sa mukha ko.

Natahimik siya.

Humakbang siya papalayo mula sakin. May kung ano sa sarili kong kumirot dahil sa hakbang niya papalayo.

Umiling ako sa sarili at inalis iyon sa isipan. Hindi ito ang oras para magpadala sa tukso niya.

"Of course," sambit niya. "I wouldn't expect you to believe me, princess."

Huminga ako ng malalim at sinulyapan ang palasyo ko. Wala pang may nagliliparang ravensiel papasok sa gubat.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon