Chapter Fourteen

129 7 0
                                    

Swords

"Be kind, Sora. Don't be like me. Be good to everyone and to everything. I am your mother so you will follow what I say, my child. You will remain this way until that day comes."

Ang mga salita ng aking ina ang tanging mga basehan ko sa lahat ng mga gagawin ko sa hinaharap. Alam na alam niya ang dapat kong maging galaw at presensya sa lahat. Ang dapat kong ipakita.

Being good and kind was not on my nature. It only did when she told me to. Ginawa ko ang sinabi niya. Sinunod ko siya. Bawat salita niya para sakin ay sinusunod ko dahil para ito sa kapakanan ko. Para sa imahe ng pagiging mataas na prinsesa.

Minsan niya na ring nabanggit na ang bawat maharlika ay nagtatago. Kinakailangang magtago sa likod ng tinayo nilang bakod ng kanilang imahe sa lahat. Habang-buhay ang pagtatagong gagawin. At sinabi niyang ayos lang iyon. Kinakailangan kong kalimutan ang sarili para iangat ng mataas ang ulo ko hanggang sa dumating ang araw na aangkinin ko na ang korona.

My mother taught me to love the image that she made for me. She loved what she saw in me. She used to tell how perfect I was. She loved many things about my image as a princess. I wonder if she even knew me as a daughter.

Sa ginagawa kong ito...

Tila nawala lahat ng bakod ko. Nakalimutan ko ang mga utos at bilin niya. Sa isang iglap, nagmarunong na ako.

Natupok ng pagmamahal. I'm blaming the stars.

"Are you calm now? You were scorching a while ago, Sora. Hanggang ngayon sumasayaw pa rin sa isipan ko ang itsura mo. Your eyes... your lips. Hell, your body was sacred."

Nanatili akong nakahiga sa balikat ni Veron. Pinaglalaruan ko ang pagkalaso ng talukbo niya at nagtatangkang kalasin iyon at babalighutin muli.

"I was cursed. I didn't know Talulah's scales can lull me in temptation." sambit ko.

Hindi ko alam na may sumpang temptasyon pala ang balat ni Talulah. Hindi nabanggit sakin iyon ni ina. Sa isip ko, kahit si Talulah nga siguro ay walang kaalam-alam din dito.

Sa oras na hinawakan ko ang balat niya, tutupukin na ako ng labis na pananabik sa kung sino man ang ninanais ko. The touch of her scales made me do that. I can't think properly and all I felt wad lust.

Ilang parusa na kaya ang nakahilera para sakin? Hindi na mabilang ang mga paglalabag ko.

"...your hair... your skin. You were so agressive to me." Tumawa siya.

"A snake's skin was marked with temptation. You should keep your distance to her next time, if you don't want this to happen again..."

Hinimas niya ang nakalabas ng braso ko. Dumapo ang isang daliri niya sa leeg ko at hinawi ang mga hibla ng kakatuyo ko lang na buhok. Napahigpit ang kapit ko sa laso niya.

Bumalik sa isipan ko ang sanhi na nakapagpatigil sakin kanina. Ang binitawan niyang mga salita ay malamig na tubig na tinapon sakin. My senses came back. Now, I'm afraid to ask him if he meant those.

"Balak ka nilang patayin..." Mahinang sambit ko sa dibdib niya. Lumunok ako. "..na higit pa sa pamamaraan nila ng pagpatay sa mga bampira. Nagagalit sayo ang lima, Veron. Isang Leventhis mismo ang namuno sa pag-atake. Wala silang pinapalampas pagdating sa panghihimasok."

"Their hunt for my family began ages ago. It's not new anymore." Kalmado niyang saad. Naramdaman ko ang pagyuko niya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko maisip ang ilang dekadang paghahabol sa kanila. Hindi ang limang kaharian ang namumuno sa paghuhuli sa kanila, pero ang mga ravensiel rito. Matindi rin ang galit nila sa mga nilalang na humuli sa reyna nila.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon