Chapter Forty-two

76 5 0
                                    

Sons and daughters

Amidst the fallen feathers from the sky, the wind whispering calm to my ears, the white castle gates open wide. Malalim na pagbuntong hininga ang ginawa ng Haring Daniel na nakatayo sa unahan naming lahat. Ang espada ng mga kawal at paglipad ng mga ravensiels sa itaas para salubungin ang pagdating ng kanilang prinsipe't prinsesa. Kung sa akin pa, ang paparating na mga bituin ng pag-asa.

"Calum, si Veron?" Mahina kong tugon sa katabi kong si Calum. Nanatili ang tingin ko sa puting mga nakaawang na pintuan.

"Kagaya ng sinabi mo sa kanya, mahal na prinsesa. Hindi siya magpapakita, pero nasa loob pa rin siya ng palasyo..." Pabulong rin niyang sagot sa tabi ko.

I slightly nodded. Phileis on my left cleared his throat. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito, alam kong nakatitig ito sakin. I remained my eyes on the gates waiting for my brothers and sisters arrival. May hinala na ako kung bakit sila naritong lahat, at alam kong naramdaman na rin nila. They have felt what happened to me in that room with the enchantress few days ago.

"Zeref, Reagan, Sorin, Adelaine, Corvina, Celestre, Iolani, Ahna, and Damen would not like it if they saw Veron here Phileis. Sabay kaming lumaki at alam ko na ang magiging reaksyon nila kapag nakakita ng isang bampira. We were taught many things and this was one we all have in common." Saad ko.

"Hindi pwedeng wala silang alam, vasíllissa mou. Kung magtatanong sila, hindi ko maipapangakong matatago ko ito. Hinding-hindi kami maaaring magtago ng sikreto kapag mula ito sa kalawakan..." He sounded worried.

Maliit na ngiti ang binigay ko sa kanya. I'm pleased by this honesty of his. Namamangha rin ako sa kung paanong sa loob ng matagal na matagal na panahon, sa ilan nang nga hari't reynang nasilbihan nila, o sa ilang mga nilalang na binigyan nila ng lingkod, may isang paring katapatang kailanma'y mananatili sa kanila.

Astraea ruled them too well. After so many times that had passed, they have lived on no creature in this world could have for a long time. Loyalty.

"Naiintindihan ko. And I'm not forcing you to hide anything for me, Phileis," ngumiti ako at bumaling ulit sa dumadami at naghahandang mga kawal sa ibaba ng mataas na hagdan na tinatayuan namin ngayon. Inayos ko ang nakalaso sa pulsuhan ko at dinama bahagyang pinadaloy ang kapangyarihan ko sa hangin para maramdaman ang lahat.

"At isa pa... Matatalino sila. Sigurado akong namulat na sila sa sitwasyong ito,"

"At ayos lang sa inyo iyon, vasíllissa mou? tha eínai aidiasménoi..."

Umawang ang baba ko nang maintindihan ang sinabi niya. Ginamit ay salita ng mga elven. Naramdaman ko naman ang pagkalito ni Calum sa kaliwa ko sa mga salita niya. Bahagya akong tumango.

"They will be disgusted, yes. But they shall learn to see new perceptions. The princes, especially the princesses shall learn to see the just with me. Magbabago ang lahat, Phileis. Xéreis óti..." I quietly muttered against the wind.

"Something's truly different with you nowadays, Sora," the king suddenly spoke. His back facing me. Wala siya naging kibo, ganoon rin ang mga punong mahiko sa tabi niya. The old mage beside him silently gave me a bow first. I answered him with a smile and faced front.

Looks like the king is indeed starting. Ang unang hari sa tabi ko ay nagtitipon na rin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubusang maisaisip ito. Deacon, the silent kingdom will be on my hands. The first kingdom where I have been proclaimed queen. The first kingdom whom shall follow me.

Maliit akong napangisi sa sinabi ng hari. The coincidence. He would not know that I am already proclaimed. Siya ang haring walang reyna, hindi siya pamilyar sa magiging presensya ng isa kung wala siya nito sa katabi niya. Magiging madali ang pagtatago ko, at isa pa wala rin naman akong balak ipaalam ito sa kung sino mang hari o nilalang kahit gaano pa man sila kamalapit sakin.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon