Mine
"Hindi pwede.."
Sa hindi ko na mabilang pagkakataong sagot ko kay Veron sa pamimilit niya. Naramdaman ko ang paggapang ng mga daliri niya sa hibla ng gintong buhok ko.
"Why? We've been bonded, Sora. Ayaw mo bang magkasama tayo? Lalayo tayo. Sa lugar kung saan wala sa isa sa mga kalahi natin ang makakatunton." sagot naman niya at pinatakan ng halik ang aking noo.
Hindi ko na namamalayan ang takbo ng oras at nanatili ako sa kung saan mang parte ng gubat na ito kasama siya. Wala nang mga munting ilaw na nakapaligid samin at tanging ilaw lang ng naggagandahang bituin ng Astraea.
Nakahiga kami ngayon sa malaking sanga ng kahoy na inakyatan namin kanina para makaiwas sa kadiliman ng gubat sa ibaba. Wala namang epekto sa isang katulad niya ang dilim pero sakin meron.
At sa mga oras na ito ay wala akong balak bumalik sa Vedalli.
Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at hinarap siya. Umupo rin siya ng maayos bago marahang hinila ako papalapit sa bisig niya. Napangiti ako at diniin rin ang sarili sa malamig niyang katawan.
Kani-kanina lang ay kinasusuklaman ko ang nilalang na ito. Pero ngayon ay tuluyan na akong nagpaangkin sa kanya. Wala akong balak na hindi sang-ayunan ang mga bituin. Kami ang para sa isa't isa.
Hinarap niya ako sa kanya at tinitigan ang mukha ko. Sa kadiliman ng paligid, tuluyan nang nangingibabaw ang mga mata niya.
Napakaganda.
Mabilis niyang hinagkan ang aking mga labi nang marinig ang naisip ko. Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at hinalikan siya pabalik.
"Ikaw. Ikaw ang napakaganda, Sybella.." bulong niya sa gitna ng mga labi namin.
Naging mapusok at mainit ang halik namin nang pasukin niya ang kanyang dila sa akin. Ramdam ko ang paghahanap nito sa kabuoan ng bibig ko.
"Hmm.." Napaungol ako.
Binaba niya muli ang dalawang manggas ng kasuotan ko ng sabay hanggang sa aking mga braso. Tumambad ang dibdib, leeg, at balikat ko sa kanya.
"Veron.." Gusto kong alisin rin ang maitim niyang talukbo.
Hinanap ng dila niya ang dila ko. Napaungol ako at ako na mismo ang sumalubong sa kanya.
"Damn.. Sora, you are for me.."
Akala ko ay magpapahinga lang kami rito sa malaking sanga dahil sa layo ng tinakbo niya pero hindi ko siya matanggihan. Hindi namin matanggihan ang isa't isa sa pakiramdam na ito.
Patuloy ang paglandas ng mga kamay niya sa balikat, leeg at dibdib ko habang nag-iisa ang nga labi namin. Panay rin ang bulong niya sa isipan ko.
"You're so beautiful.. my Sybella.."
Hinanap ko ang lakas ko para bahagyang itulak siya. Kailangan may isa saming tumigil o kung hindi, paniguradong ito nalang ang gagawin namin buong gabi.
"Veron, stop.."
Hinawakan ko ang buhok niya at bahagyang sinabunutan siya para lumayo. "Wala tayong mapag-uusapan kapag.. ahh.. g-ganito tayo."
Sinipsip niya ang bagang ko. Umungol ako at malakas siyang tinulak pasandal sa puno.
"Darling.." reklamo niya at bahagyang hinimas ang ulo niyang tumama s puno. Binalik niya ang talukbong niya sa ulo.
Bumuntong hininga ako at tinaas ang damit ko pabalik sa balikat kong hinila niya pababa bago gumapang sa sanga papalapit sa kanya.
"Why are you always wearing this?" tanong ko at inalis ang pagkakasuot niya ng talukbo niya sa ulo. "Hindi kita matingnan ng maayos.."
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasyLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...