Hold
"Totoo ba itong nakikita ko? Is that Nyx?"
Sa banayad at marahan na kumpulan ng mga sanga ng hindi gaanong mataas na puno ay lumabas ang kulay ng apoy at araw sa maliit na mga pakpak ng nilalang na nagtatago sa likod ng mga ito.
Hindi ko maintindihan. Bakit narito ang puno niya at siya?
I thought...
Saglit bumuklad ang mga pakpak nito at mahinang tumagilid ang ulo nito sakin. Ang napakaganda at mahabang pilikmata niya na puno ng lihim at misteryo hanggang ngayon. Bigla nalang siyang nawala sa digmaan noon... Ang iba ay nakunbinsi nang namatay na ang umalagad niya.
Tila nawalan ako ng lakas sa mga kaganapan nang unti-unting nangyayari sakin. Hindi pwedeng naririto siya ngayon. Si Nyx ay isang umalagad. A guardian of Astraea's prophecies, and said to be a disciple of the first golden bloods. Papaanong narito siya? Higit sa lahat, anong rason nito para iwan niya ang mga hari't reyna noon?
"Nagpapakita ba siya?" Nanghina ako sa tanong ko.
Ang buong akala ko ay ang espada lang ang kailangan kong harapin sa silyadong silid na ito. Pero anong ginagawa ng Puno ng Umalagad rito?
May mga senyales ang mga mata ni Nyx sa kung sino man ang tinititigan nito. Walang interes ito sa anumang uri ng nilalang, pero sa oras na magtama ang mga mata niyong dalawa. Isang pahiwatig niya iyon na may malaki kang gagampanan, at marami ang magiging saklaw, madadamay sa kaganapang iyon.
Nyx will be the last creature I would want to atleast see for now. It confirmed everything I am by its eyes.
Veron brushed my shoulders down to my wrists behind me. Halos tumatama na ang likod ko sa kanya.
"It's okay," he whispered on my ear making me shiver because of his warm breath on my neck.
He continued touching my elbows down. I slightly gasped on his touch. Tinignan ko ang mga kamay niya sa balikat ko sa pagbaba nito patungo sa mga kamay ko para pagtagpuin ang mga iyon.
"Siya ba talaga iyan? Anong ginagawa niya... At ng puno niya sa halos pader na kulungan ng silid na ito?" Tanong ko habang hindi inaalis ang ko sa kamay niya.
"Matagal na siyang naririto. Dito siya nagsimulang manirahan sa loob ng limang taon. We didn't know the reason why either. Isang araw ay nakapaloob na lang siya at ang puno niya sa silid na ito..."
Napakalapit ng mukha niya, tuluyan na siyang sumandal sa gilid ng ulo ko at hinahalikan ang buhok ko.
"So this is where she's been hiding all this time? Bakit? We are underground, this is your coven's place. Why would Nyx--"
"Baka naiinip na siyang kinukulong sa sentro ng Astraea at napagod nang magpagamit sainyo kaya siya umalis sa mapagmalupit na dinastiya niyo."
Napabaling ako sa gilid na bahagi ng silid. Nakita ko si Selera naglalakad papalapit samin, at si Calum na inaayos pa ang sintas ng sapatos nito at nakaawang ang kanyang kasuotan. Magulo ang buhok at namumula pa ang balat.
Bumalik ang tingin ko sa puno at sa ibon.
"Selera, pwede ba... Huwag ngayon kung sasabihin mo na naman ako ng mga ganyang bagay, tama na muna. I had enough for today..."
Naalala ko ang mga ensayong pinagdaanan ko nitong mga nakaraan na linggo. Halos walang tigil ang mga iyon sa kagustuhan kong ayaw sayangin ang oras ko. Mas pagod sa araw na ito dahil sa nangyari kay Veron kanina. At isa pa, kakarating lamg niya. Dalawang beses pa lang kaming nagkikita tapos papalabasin niya lang ang mga ganitong bagay?
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasyLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...