Chapter Three

225 11 1
                                    

Leventhis

Nanigas ang buong katawan ko sa kaba. Sa mga oras na ito alam ko na kung sa anong uri ng nilalang ang nakasalo sakin.

Ang malamig na mga brasong bumabalot sakin. Ang marahang paghingang nararamdaman ko sa kanyang dibdib. Natuyo ang lalamunan ko at hindi makagalaw sa hawak niya.

Unti-unti kong inangat ang mga mata ko sa nilalang na nakabalot sa itim na kapa at kasuotan. Una kong nasilayan ang dalawang pares ng mga mata na umaalab sa kulay ng dugo.

Umawang ang labi ko sa kabuoan ng mukha ng nilalang na ito. Ang napakaputi nitong balat na pinapalibutan ng maitim niyabg talukbo, ang matangos at halos matutulis niyang ilong. Ang naninigas niyang bagang habang nakatitig rin pabalik sakin.

Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mga mata niya maliban sa pag-aalab ng pulang kulay nito. Bumaba ang tingin sa labi niya. Wala sa sariling napakagat ako sa ibabang labi ko.

Ngayon lang ako nakakita ng perpektong hugis na mga labi at bakas ang pagkapula nito saan mang bahagi. Suminghap ako nang masilayan ang dalawang matutulis na bagay na bahagyang nakalabas sa nakaawang niyang mga labi.

Tila dinalaw ako ng antok habang nakatitig sa kanya. Naanig ko rin ang kakaibang klase na kulay ng buhok niya. Kulay itim ito na bahid ng pulang kulay sa ilang dulo ng mga hibla.

Bahagyang natatabunan nito ang mga mata niyang nanatiling nakatitig rin pabalik sakin.

Siya..

"Veron.. Aedion," Nanghihinang sambit ko sa kanyang pangalan.

Ramdam ko ang pagdiin ng kapit niya sa likuran at binti ko. Pumalibot pa lalo ang kanyang mga kamay. Nanatiling nakatingkad lang ako habang nakahawak sa dibdib niya.

Walang tibok. Bagay lang sa katulad nilang mga nilalang. Ang mga walang puso at kinikilala ng buong Astraea na pinakamasasakim na mga nilalang bukod sa mga mangkukulam. 

They are worst than any killers with their bloodlust and unending thirst. Ang mga makikita nalang na mga bakas nila pagkasapit ng umaga ay ang kanilang mga biktima. Nakaratay sa gubat na may marka ng dalawang bakas ng pangil nila.

Sa kasamaang palad ay muli akong napunta sa mga kamay niya. Sa kamay ng isang Levinthes, ang pinakakilalang mga bampira sa buong Astraea.

"Ilang beses ba kita kailangan ilagtas, prinsesa?" saad ni Veron gamit ang kanyang napakalalim na boses na animo'y boses mula sa ilalim ng karagatan.

Mabilis pumulupot ang mga kamay ko sa leeg niya nang rumagasa bigla ang malakas na hangin sa mukha. Doon ko napagtantong tumatakbo na siya papalayo sa kinatatayuan niya kanina.

Napapikit ako at hindi na makaangat ng tingin sa kanya. Imbis ay dinikit ko ang sarili ko sa dibdib niya. Hindi ko inaasahan ang bilis ng pagkilos niya.

"At sa oras pa talaga ng kasal mo?" Narinig ko ang tunog ng dila niya sa pagkadismaya. "You didn't invite me.."

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa noo ko. Yumuko siya para silipan ako na nakatago lang sa dibdib niya para iwasan ang napakalakas na hangin.

"That's why I invited myself in."

Bahagyang napasinghap ako sinabi niya. Pumukaw ang lakas loob sakin na umangat ng tingin sa kanya.

Tila nagwawala ang mga puno sa paningin ko dahil sa bilis ng pagtakbo niya. Naabutan ko siyang nakatitig rin pabalik sakin. Hindi ko maiwasang mailang sa itsura niya.

Kailangan nga ba nang huli ko siyang makita? Limang taon na ang nakalipas? Noon inatake ang paaralan na pinapasukan ko at nakulong ako roon. Isa ang mga angkan niya sa mga umatake, at kasama siya.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon