History
"...Astraea died in the Mountain of Chains." Ang ukit sa libro.
Ilan daang taon na ang nakaraan ay patay ang mga bituin sa Astraea. Mga panahon pa ng mga emperyo. Nanatili itong walang buhay pagkatapos mamatay ang isa sa nilalang na naninirahan sa kanila. A ravensiel died because of a forbidden love. From then on the stars punished our world. It never glowed, it never patterned, moved, mapped, or destined two souls. Lahat ng mga nilalang ay mabubuhay ng walang kinikilalang totoong pag-ibig, direksyon sa paglalakbay o koneksyon sa mga nagmamay-ari sa kanila.
All of these used to be myths of our world until the last intruder.
Bawat bituin ay pagmamay-ari ng isang hari. Isang bituin, isang hari. Simbolo ng pagkabuhay ng kanilang kaharian sa mundong ito. Malalaman ng lahat sa pamamagitan ng pagtanaw sa kalangitan ang pagsumiklab ng bagong kaharian, at pagkagunaw naman kung unti-unti nang nanghihina ang pwersa nito hanggang sa tuluyan nang masira. Sinalakay at winasak, naguho, o pinatay ang namumuno man ito. At kasing dami ng bituin ang nabubuhay na mga kaharian ngayon.
Pero kagaya ng pangkaraniwang bituin sa mundo ng mga tao. Some stars are much brighter than others. More powerful, evarlasting, and inevitable.
Seven stars were written by Astraea. Some say her body and soul was kept on each of those. Forming into a single constellation. Ang konstelasyon na mahahanap lang sa bundok ng mga kadena. Lugar kung saan nagbago ang lahat.
Ang pitong bituin ay minsan nang nagparamdam sa pamamagitan ng pitong espada na nagmula mismo sa pito at nalaglag mula sa kalangitan.
One of the swords was on the hands of the five kingdoms now. Isa pa lang ang nahahanap nila. Noon ay napapasakamay pa ang mga ito ng pitong magigiting na hari. Pero ngayon tila pawang mga kwentong inihip ng hangin mula sa nakaraan nalang ang mga ito. Mahirap ng paniwalaan sa panahon ng Astraea ngayon.
Ang pitong espada, ay may kapangyarihang tumawag at magpababa ng mga bituin. At iba pang mga mahikang hindi pa naipapalabas nito. Kahit ang pinakamalakas pang mahika sa mundong ito ay walang katumbas sa pitong espada.
Isang katanungan na sa tagal ng panahong pananatiling katanungan nito ay wala nang nagsusubok pang sagutin ito.
Where are they now?
It was said that only a Golden Blood can find all them.
Maingat kong tinuklop ang librong binabasa ko at umupo ng matuwid. Marahan akong sumandal sa upuan ko at huminga ng malalim.
Tinitigan ko ang nakatambak na mga libro sa lamesa ko. Pinagpatong-patong. Ang iba ang nakalatag na sa karpetadong sahig.
Kakatapos ko lang magbalik-tanaw tungkol sa mga pinag-aralan ko noon. It wasn't supposed to be like this. There were so many things that weren't answered still. The histories of this world were so unclear and painted with lies. Paano ko pa sususbukang maghanap ng kasagutan kung sa bawat pahina ng nga salita ay may bahid ng kasinungalingan?
Nagsisinungaling ang mga libro. Imposibleng mabubuhay pa ang isang gintong dugo para sa mga espada. Hindi iyon magagawa ni Haring Lavislous. Hindi sa panahong ito at lalong lalo na hindi sa isang prinsesa.
Magiging ginto lang ang dugo ng isang nilalang kapag nabasbasan ito ng isang hari. Isang hari na may kakayahang lumipad at magpatatag ng kahalagahan sa mundong ito. Tinatrato ang lahat ng bagay na para bang isa itong ginto.
Isa pang bagay na hindi ko maintindihan ng mabuti.
Hinilot ko ang sintido ko.
"You shouldn't think too much, Sora."
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasiLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...