Pretend
Napagdesisyunan kong umalis sa silid sa nakita. Hindi ko pinansin ang lahat ng tawag sakin ng mga prinsepe't prinsesa at walang pasabing umalis. I needed to get out of here. Lalo lang akong naguguluhan sa lahat, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sugurin na ang haring Lavislous ng mga katanungan at sirain ang katiwasayan ng gabing ito.
Mabilis ang paghinga kong hinawi ang kurtina at lumabas. Ramdam ko ang litong paninitig nilang lahat sa likod ko. I didn't mind them and walk outside. Sumalubong muli sakin ang mga ngiti ng mga nilalang rito. Mga sinag ng kanilang presensya sa loob ng bulwagan.
Bakit walo ang nakita ko? Namamalikmata lang ba ako? Sigurado akong hindi ito ang unang beses na tinignan ko iyon. It wasn't eight. In my eyes, it wasn't eight before.
Paulit-ulit kong iniling ang ulo ko at napasandal sa likod ng maliit na puno sa kinatatayuan ko.
"Mahal na prinsesa, kanina pa po kayo hinahanap ng inyong ama,"
Nagulat ako sa biglang pagsalita ng tagapagsilbi. Nakasilip siya sakin sa likod ng puno at kunot ang noo.
"Tila huli na ang oras para sa pag-aamoy ng mga dahon ng punong Aromat, prinsesa? Baka magambala mo riyan ang mga pesteng nilalang. Makagat pa po kayo..." tugon nito ng pabulong sakin.
Tumango-tango lang ako sa kanya at hinablot ang hawak niyang inumin na ililibot niya sa mga bisita. Mabilis niya naman akong dinaluhan habang umiinom.
Napapikit pa ako sa lamig na dumaloy sa lalamunan ko ng inumin. I wasn't thirsty but, I need a destruction, atleast.
"D-Dahan-dahan lang, mahal na prinsesa! May naganap na naman bang pagmamataasan sa inyong mga tagapagmana? Nagpatagisan na naman ba ng kapangyarihan? May nawalan na naman ba ng pasensya?" Takot na usal ng tagapagsilbi at hindi mapakali sa kinatatayuan.
I cannot blame her reaction. It was always chaos when they're here. Kung nasa iisang lugar kaming lahat, ay paniguradong sakit sa ulo ang kalat na mangyayari... Sa hula ko'y anumang oras ngayon. Magmumula sa silid ko nasaan silang lahat ay bubulaga nalang bigla ang hindi inaasahan.
Napailing ako sa kanya. I gave her back the cup.
"No... no. Hindi naman sa ganun. Konting hindi pagkaiintindihan lang," pagrarason ko at ngumiti.
Umalis na ako sa pagkakasandal at dinaanan siya. Yumuko siya sakin at bumalik na rin sa ginagawa. I lingered my stares to everyone. May mali... parang mali na ang paningin ko sa mga nakikita ko.
There's something inside me, telling me that we shouldn't be this calm and celebrating. Masyadong kampante na ngayon ang mga nilalang na ikinatatakot ko.
When I saw eight stars, I knew all has changed. Maybe it has been eight before but, I just didn't count it clearly with my own eyes. Dahil nabahiran na ng mga salita at mga nakaukit sa libro ang isip ko. I was easily consumed because I was a princess. And a princess must believe what she's told.
Hindi dapat ganun. Parang gusto ko nang salungatin lahat sa pagiging prinsesa.
"Ah! There's my daughter,"
Sa paglalakad ko ay may humawak sa braso ko. Nagulat pa ako at bahagyang napaurong. Mahina akong napadaing sa sarili. Kumalma ka lang, Sora. Maghahanap ka ng mga kasagutan pagkatapos ng walang silbing pagpupulong na ito.
"Sora, meet the Elven Czar and his fairest council from the Mist Mountains. Czar Elrohir, this is my daughter." Pagpapakilala sakin ni ama. May mataas na tindig sa mukha niya habang nakaharap sa pinuno ng mga elven. Nasa paligid ko na rin pala ang iba pang hari't reyna sa kanilang galanteng mga kasuotan.
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasyLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...