Chapter Eight

153 8 0
                                    

Blood and Water

Matagal akong nanatili sa gubat kasama si Veron hanggang sa halos sumikat na ang araw.

Sinulit namin ang bawat segundo ng gabi sa pagkilala sa isa't isa. May alam ako tungkol sa mga Levinthes pero hindi tungkol sa pagiging bampira. Ang rason kung bakit sila lumalabas tuwing gabi lang at kung bakit sila.. pumapatay.

Ang mga Levinthes ay ang manorkiyang angkan ng mga bampira. Sila ang namamalakad sa buong lahi ng mga bampira saan man sa Astraea. Ang alam ko ay higit silang makapangyarihan at mas malakas sa iba pang mga bampira. Mas mapanganib at sakim.

Si Veron pa lang ang nakakaharap kong Levinthes. And he's not dangerous nor evil. Hindi ko makita sa kanya ang lahat ng alam ko tungkol sa mga bampira. Tila nagbago bigla ang paningin ko tungkol sa kanila.

He's not even forcing me for blood. Ni hindi ko nga makita ang pagkauhaw sa mga mata niya o maramdaman man lang sa damdamin niya. Nabanggit niyang handa siyang maghintay na ako mismo ang magbibigay nito sa kanya.

Kinalas ko ang brasong nakakapit sa kanya nang ilapag niya ako sa lupa. Madilim pa pero naaanig ko ang nagsusumilip ng sikat ng araw.

Bumaling ako sa kanya. "The sun's about to rise. Kailangan mo nang bumalik sa loob,Veron."

Hindi ko alam kung saan siya nanatili tuwing umaga. Pero alam kong hindi siya maaaring matamaan ng sikat ng araw. The sun will scorch their skin.

Naalala ko ang mga bampirang pinapahuli ng aking ama noon. Lahat sila'y dahan-dahang pinatay sa pamamagitan ng pagtatali sa harap ng araw bilang parusa sa mga nagawang krimen. Hinuhubaran at walang tigil sa pagsisigaw sa labas ng aming palasyo, sa harap ng lahat.

Bahagyang gumapang ang takot sakin nang maalala ang pinag-usapan nila kanina ng lima. My father wants Veron and I know he wouldn't stop until he had what he wants.

Sa lahat ng limang hari, ang ama ko ang pinakamay-mabugsong damdamin at walang puso. Wala siyang magiging awa sa kung sino man kahit halos gumapang at humalik na ito sa paa niya. Ang gusto niya ay dapat masusunod kung hindi kamatayan ang walang alinlangan niyang hatol.

Kagayang-kagaya ng aking ina.

Ang walang awa na hari ng Vedalli at ravensiel ng pulang dugo ay desperadong maghiganti. At wala ring pinapalampas ang limang kaharian sa kung sino man ang magbabanta sa kanila. Tiyak na magiging malaking bagay rin para sa kanila ang pag-atake ng mga bampira sa kasal ng isa sa prinsesa nila.

"Alright. Until tonight, your highness." ani ni Veron at bahagyang yumuko pa bilang paggalang sa harapan ko habang nanatili ang mga mata sakin.

Natawa ako sa mali niyang paraan sa pagyuko. Lumapit nalang ako sa kanya para yakapin siya. Mabilis niya akong sinalubong.

"Ang aking ama.." bulong ko habang nakayakap sa kanya. "natamaan siya ng pana niyo.."

Nanatili akong kalmado sa bisig niya. Bumuntong hininga siya at hinigpitan ang yakap sakin.

"He's taking you away, Sora. I wanted to talk to you.." sagot niya.

"And you attacked on daylight?"

"Ano pa ba ang iba kong magagawa? I'm not letting you marry that fucking prince." Madiin niyang usal.

Binitawan niya ako at hinarap sa kanya. Ang mga pula niyang mga titig ay nakatingin sa asul kong mga mata.

"You're not marrying anyone. If we're going to fight for us, then tell them, Sora.."

Mabilis akong umiling. "No. Hindi mo kilala ang limang kaharian, Veron. Pagnalaman nila ito, ilalayo nila ako. A-At.. posible ring huhulihin ka nila. Hinding hindi nila matatanggap ang ganitong bagay kaya, hindi. Mananatili tayo sa pagkikita." saad ko.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon