Chapter Twenty

106 4 0
                                    

Price

"This was supposed to be told to you when you sit on one of the thrones of the Highest Kingdoms."

King Daniel was smart. Alam kong may rason din siya kung bakit niya ito sinasabi sakin at sumira na naman sa pinapanigurado kong kasunduan nila.

Dumungaw ang tingin ko sa bintana nang tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata. Nasilaw ako at napaiwas. It was sundown. I didn't noticed the time. I forgot we were still in the library. This conversation could have been more cautious. Sa oras at lugar, hindi ako makapaniwalang kampanteng kampante lang ang hari sa pagsisiwalat nito sa bukas na lugar.

Suminghap ako. "Bakit mo pinapaalam mo sakin ito ngayon, Haring Daniel? Bawal kayong sumira ng mga kasunduan at desisyon..." Naibulong ko nalang.

Ngumisi lang siya.

"Blame the Emperor," sambit nito at kinuha ang puting kapa niyang nakasabit sa silya.

"Nagising ito... Hinahanap ang mga espada... Kung hindi ako nagkakamali ay dahil din sa pangwalong butuin kung bakit niya ito sinusubukang pagtugpi-tugpiin. Tama, ba? Was he planning to reform the world using all eight of them again?"

Napatitig siya sakin. Bahagya siyang tumango ng ilang beses at napailing.

"I meant the other Emperor in the sky,"

Umawang ang baba ko sa pagtanto. Bakit hindi ko siya naisip?

"Laurent..." I murmured.

Tumango ang hari at sinuot ang mahabang kaba nito sa leeg. Ngayon, nagmumukha na talaga siyang kataas-taasang hari. Ang tungkulin na malapit na rin niyang iwan.

He announced months ago, Zeref will take his position the moment if he find a bride. But I know Zeref. I know he doesn't want the throne. Minsan na niyang nabanggit sakin na nakikita ang sarili niyang naglalakbay sa mga lupain ng Astraea. Iguhit ang mundo.

Nagkatitigan kami ni Zeref nang bahagya kong binuksan ang isipan ko para mabasa niya ito.

'You are not fit for his position if you ask me' Isip ko.

Umangat ang sulok ng labi niya at pinasadahan ng tingin ang kapatid na abala sa pag-aayos ng sintas ng suot nito.

'That's my plan. I'm not interested on his power. Ayokong umupo, Sora. Para lang sa kanya ang trono at ng nawawala niyang reyna'

'Ang buong akala ko ay patay na ito? Nabanggit ito sakin ni ama'

'Yes. I was thinking that too. But he claims differently. Nawawala lang daw ang mahal na reyna'

'I don't know, Zeref. Alam mo bang hindi ko inakala noon na may reyna pala ang kapatid mo? I never saw him with anyone'

Bumuntong hininga siya. 'Neither did us. I and Lynea. We did not know her'

Tumikhim nalang ako at sinara na ulit ang isipan. Nagkabalaan kami ng tingin ni Zeref bago ako umiwas.

"Mahal na hari, n-nakausap niyo si Laurent?" Tanong ko.

"Can he help us?" Umaasa ang boses ko.

It has been years. Years, since the last time we saw the heir. Mukhang gusto nitong makalimutan na siya ng mundo bilang tagapagmana. Sa paglipas ng oras, unt-unti at hindi malabo na tuluyan na siyang maging alaala na lamang, at mababahid sa pagiging isang kwento nalang.

Was this your plan, Laurent? Ito ba ang gusto ng kaibigan ko? Pagkatapos ng sakripisyo niya ay mawawala ka rin?

"I'm afraid not. The heir shouldn't touch the changing fate now. But we do need his guidance, especially you, Sora."

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon