Chapter Twenty-nine

96 3 0
                                    

SPG.

***

Inflame

"Hanggang kailan ba kayo hindi mag-uusap? Sora, nagiging sanhi kana ng paglamig ng hangin... It's fucking frustrating," Selera complained for the ninth time.

Bahagya ko siyang sinulyapan, nahuli ko siyang lumalapit na naman sa tahimik na naglalakad at kakabalik lang na si Calum. I saw him flinched when Selera bumped his shoulder again. Lumunok ito at yumukong dumistansya nalang sa naiiritang giniginaw kong kapatid.

Binalik ko ang tingin ko sa makitid na daan patungo sa sinasabi nilang silid na pinaglagyan ng espada ng korona. Malayo na ang nalakad namin sa ibabang parte ng palasyo. Ang malaking lalagyan ng kandila lamang na hawak ni Veron sa harapan ang siyang tanging gabay namin... O gabay lang namin ni Calum. Masyadong makapangyarihan na ang dalawa para lamang sa dilim ng paligid. Kayang-kaya nilang tawidin ito sa paglalaho lang.

I snorted underneath my breath. Trying to surpass my emotions overwhelming me, causing the air to be frigid.

Simula nang lumabas kami kanina sa lumang bulwagan ay naging masama na ang loob ko kay Veron. Sa mga binaggit niyang mga salita ay parang sinisira rin niya ang panindigan ko sa sarili at sa mundong ito. Ang dali-dali para sa kanya... Oo, aaminin kong may tinatago rin akong kuryosidad tungkol sa mundo ng mga tao pero hindi ako umabot sa ganitong pagnanais na gaya ng sa kanya.

I can't imagine leaving Astraea. No matter how tragic and cruel this world can be... It is still my home. And I stand with my will as a princess in it.

Lalo na sa pagkakataong ito na may kinakalangan akong gawin.

How could he ask me that if we have come this far?

Tila mas lumamig pa ang hangin. Napahinga ako ng malalim nang hindi ko na magawang takpan ang emosyon ko.

Selera muffled a loud whined. Napakagat-labi ako at dahan-dahang lumingon sa kanya nang may paghingi ng tawad sa mga mata.

Sinalubong ako ng umiinda niyang tingin habang yakap-yakap ang sarili. Nasa lang nila akong dalawa ni Calum kaya mabilis siyang tamaan ng hanging tumitipon sakin. Calum, on the other, remained still and warm. A werewolf's sphere against the cold is clothed in their bodies.

"Cover that down, Sora. Or else I'll be the one to," she threatened me and shivers.

Dumistansya naman ako sa kanya sa maliit na daanan. Kanina pa siya nagmumura at sumusuway sa isipan ko sa paglalakad. Ngayon sa tingin ko ay hindi na niya kayang itikom ang bibig sa ginagawa kong ito.

"I'm sorry... I just really..."

Sinubukan kong ulit papasukin at palitan ang emosyon ko pero tila may sarili na itong pilit nagpaparamdam sakin.

Umungol ako sa inis at matalim na tinitigan ang likod ng bampirang pinag-iinitan ko, kampante lang itong naglalakad ng nakapamulsa sa harapan para pangunahan kami. When he spoke those words, I immediately turned away from him. Nabingi ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang marinig ang mga iyon.

And now... He seems unbothered and calm while I'm irritated here? I know he senses my powers, my emotions as well since we're bonded intently... He can feel me and I can too with him. Pero ano ito? Hinahayaan niya lang akong magdusa sa bago na namang pakiramdam na umusbong sakin?

I've never been mad at someone before. Kahit kay Selera at sa lahat ng mga ginawa niya ay hindi ko nagawang magalit sa kanya ng lubusan. My heart was born pure and trained to be kind and soft to others that I never knew the feeling of anger.

Veron's eyes instantly bore into me making me flinch surprisingly. Mabilis akong umiwas pero mas mabilis siya at naunahan ako.

My blood boiled, I sent him piercing daggers in my stares. I can feeling of anger grew into me. I can't believe he's letting me feel this way! Alam na alam na niya ang sitwasyon ko sa mga oras na ito!

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon