Chapter Twenty-four

101 7 0
                                    

Sword of the Crown

"Maligayang pagbabalik, pangalawang Levinthes. Ilang libong taon din ang nakalipas noong huling tapak mo rito sa Elisora,"

Ang taong lobo ay tumayo mula sa lupa. Mabilis siyang nilapitan ng mga kasamahan para bigyan ng panangga sa hubo't hubad niyang katawan. Kakapalit niya lamang ng anyo. Mula sa napakalaking itim na lobo ay nagkatawang-tao ito na may mahabang itim at kulot na buhok.

Umayos siya ng tayo mula sa pagkakadapa sa lupa at sinuot ang binigay sa kanyang makapal na kasuotan.

Veron's hand pushed me back instantly. Sumunod naman ako at umiwas ng tingin sa kanilang Alpha Nezehar. His face was familiar. Ang malaking hiwa nito sa mukha at mahabang itim na balbas. Ang guhit sa leeg niyang tanging sa mga 'alpha' ko lamang nakikita. I remembered the tattoo. It's the mark of an Alpha.

At minsan na siya naming naging panauhin sa palasyo.

"Veron,"

Pinisil ko ang kamay niya sa likuran. Nanatili akong nakayuko at tinatago ang mukha sa lahat ng mga taong-lobong nagsisilabasan sa mga kakahuyan sa anyong lobo nila. Mababangis at bakas ang poot sa kanilang mga mata habang tinitignan ang kabuoan ng mga bampira.

I heard the vampires' low snarls and deep growls behind us too. Tila gumatilyo na ang tensyon sa pagitan ng dalawang magkaaway. Their response was normal upon their rivals. Hindi ko masisisi ang dalawang panig.

Kahit pa sa simula ng kasaysayan, ang mga bampira at mga lobo ay matinding magkakaaway na. Nararamdaman ko tuloy, lahat ng nilalang ay ginawan ng sariling kauna-unahang kaaway. Bakit ganun, Astraea?

"Sybella?"

I heard his voice. Nanatili kaming dalawang walang kibo.

"I recognized him... Tapat sila sa Vedalli, kay ama. Please be careful..."

"I know, Sybella. They have been chasing us and we're here to talk. But I doubt their intentions. Don't look at them, do you understand? Don't let them see your face"

"I won't"

"Pagbati rin sayo, Rameshk. I would have preferred not to come back,"

Ngumitngit ang mga matutulis na ngipin ng mga lobo nang masalita siya.

"Ah, hindi ka pa rin pala nagbabago. Ang natitirang prinsipe ng mga Leventhis... Gaano na ba katagal tayong hindi nakikipaglaban, Veron? Pahihintulutan mo ba kung mag-aagda ako ngayong gabi? Handa ang Nezehar." Ngumisi ito.

May dalawang lobo din ang nag-anyong tao rin sa gilid niya.

"I'm afraid I have to decline. Paumanhin, Rameshk, ngunit madami pa kaming sadyang gawin para makipagtunggali." Pormal na sambit ni Veron.

I focused my sight on our hands. Pinaglaruan ko ang mga daliri namin para malibang ang sarili. Ito ang isang pagpupulong na may halong kakaiba ant paninibago sa ere. Baka magulat nalang akong biglang may umatake sa dalawang pangkat. This gathering is definitely different from the ones inside the palace.

"Where's the sword, Selera? I am supposed to feel it... Pero bakit wala?"

Ayon sa kasaysayan ay ang espada mismo ang tumatawag sa mga katulad ko. Kahit malayo pa ay may lukso na ng dugo ang mararamdaman nito.

Napayuko ako lalo sa likod ni Veron. Sinubukan kong pakiramdam ang paligid.

"Wala. Wala akong may nararamdaman..."

"Maybe it's a lie? I saw it in my vision. I'm certain it is the third one but I don't know about this, Sora. You should be sensing it"

"Hindi kaya may sumpa ang espadang ito? O posible ring nasa pangangalaga ito noon ng mga engkantada rito sa gubat. We're at Cianna... I-I can't believe I'm even here. This place is sacred... Hindi ko alam na dito mo ako dadalhin, at may nagkukuta pa dito. Maybe there's a power blocking it from me? Maybe it was this place, Selera?"

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon