Chapter Thirty-two

82 5 0
                                    

Karagatan

"Sora..."

Pawang nakaawang ang baba ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Sa napakahindi inaasahang lugar ay nagkita kaming muli.

Ang lugar ng mga panaginip.

Malakas ang ihip ng hangin sa naaanig kong replika ng madilim na balkonahe sa panaginip na ito. Nasa isang mataas na wasak na balkonahe kami. At tila napakalapit sa...

Nalula ako sa paglibot ng tingin ko sa kalawakang nakapalibot samin. Pula. Bakit sa ganito ang mga bituin sa panaginip ko?

"Sora, what have you done?"

Nakatalikod ang prinsipeng kumakausap sakin. Nakaharap siya sa sirang parte ng balkonahe na wala nang harang pa. Iniihip ng malakas na hangin ang pula nitong kasuotan at kapang nakasabit sa kanyang isang balikat. Masasabi kong hindi siya nakatanaw sa ibaba, kundi sa mga linyadang namumulang bituin.

Nakapamulsa ito sa gitna ng kadilim at tanging ilaw lamang mula sa langit ang siyang tanawin.

"A-Adrenyi..."

Tinawag ko ang nakatalikod na kaibigan ko. Saglit namuo ang palaisipan sa isipan ko. Siya nga... Hindi ako pwedeng magkamali sa pamilyar niyang boses. Ang prinsipe ng apoy ay naririto sa harapan ko.

Pinukaw ako ng kaba ngunit agad ring napawi. Tama... Nasa mundo ng panaginip lang kami. He can't do anything neither do I. We are both in part figures and will be departed later on. I also thought this dream might be his threat or trick to me. Pero kalaunan ay napagtanto ko rin ang mga nalalaman ko ukol dito. Kagaya ng iba pang mga panaginip, kailanma'y hindi maipapasabuhay.

Tinanggap ko ang pagtama ng hangin sa katawan ko at kampanteng pinagmasdan siya. I should not fear him now. I should not fear his replication in a dream.

"Adrenyi," pag-uulit kong tawag sa kanya.

Posibleng nawalan na ako ng lakas sa araw na ito o hindi kaya'y kasalukuyan kaming nagpapahinga, at nakatulog ako... Madalas ay mga Engkantada ang bumibisita sakin. Hindi na bago iyon sa mga prinsesa dahil sa amin lamang tangi silang nagpapakita para magtanong ng bagay-bagay. Ito ang unang beses na nanaginip ako bukod sa mga Engkantada at ina ko.

Hinawakan ko ang laylayan ng aking damit. Bumayang tingin ko roon at napansing hindi ito ang suot ko kanina. Kulay ginto ito at kagaya sa mga pantulog ko noong nasa Vedalli pa ako.

Hinigpitan ko ang hawak ko roon.

"Wala kang mapapala rito, Adrenyi." Wala nang pagtitimpi kong usal. May pakiramdam na ako kung bakit ako narito sa ganitong klaseng panaginip niya pero uunahan ko na siya.

"Hindi ako babalik," sambit ko. "Pakiusap, hayaan niyo lang ako. Tell them I-I'm fine, I'm safe... I'm h-happy. Lahat ito ng ginawa ko ay may dahilan, gusto kong malaman nila iyon..."

"Ito ba ang gusto ni Reyna Izbella para sayo?"

Pumihit patungo sa gawi ko ang kanyang ulo. Napaurong ako sa blankong mga mata niya, napapansin ko rin ang pagsilip ng apoy roon at labis na pagkamuhi.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon