Chapter Twenty-seven

101 6 0
                                    

Fear

I have heard of the mating bond of the vampires and werewolves. It was different from the bond of the stars but both were powerful that even death can't break. May ilang kwento pa akong naririnig noon na umaabot sa loob ng palasyo. Ang mga kapareha daw ng dalawang mga nilalang ay sinumpa ng mundo. They say if you are 'mated', you will suffer on their domain. Wala ka maging kawala at maaari kang dumanas ng kaparusahan depende sa nais nila. All I've known from this was cruelty.

"Really?"

Veron stopped kissing me, he hold my shoulders to stare at me furrowing.

Ngumiti lang ako at humilig sa kanya. I pushed my head down to his shoulders and moved my legs carefully on the branch to lift myself and lean even closer to him.

He guided my back and waist to move with my knees. Humawak ako sa isa pang sanga ng inakyatan naming puno at tuluyang humilig sa balikat niya. Hindi ko inalintana ang nakabukas kong isipan. Wala akong nakikitang rason para hindi buksan iyon para sa aming dalawa. I've had a hard time closing it lately.

"Yes..." I played with his fingers resting on my stomach. "Nakakapanibago... I can't believe you let me take you out,"

Lumingon ako sa kanya. Napalunok ako nang mapagmasdan siya. Mas doble ngayon ang panangga nito sa ilalim ng malaking punong humaharang sa mataas na araw ngayon. Balot na balot ang buong katawan niya ng pinahalong talukbong ko at ng sa kanya. My chest winced in guilt to look at him like this. If only I could do something...

Sa lahat ng nilalang sila lang ang hindi maaaring makaapak sa ilalim ng araw. Why?

I glanced down at his whole coven near the cave beneath us. Hindi ko alam na ang patag na lugar na pinagdalhan niya sakin ay may tinatagong kahulugan.

"Hm," Sumandal siya sa puno at pumikit. "When was the last time you slept?" Takang tanong niya at bahagyang kumulubot ang noo.

Umiling ako sa dibdib niya. I felt his hand crawling down on my back. "Hindi ako naaantok. Hindi ko rin alam kung bakit. I'm supposed to feel tired and exhausted from last night... but I'm not." Napangiti ako at tumaas ang tingin sa nakapikit niyang mukha.

Isang araw pa lang ang nakalipas matapos akong nawala sa palasyo ngunit hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Napakalayo ng Elisora sa daigdig at mga lupain ng limang kaharian. Wala ring mga ravensiel o kahit anong nilalang maliban sa mga bantay ng gubat ang mga naninirahan o malapit rito. I have studied this place on my maps. Minsan iniisip ko nang nagunaw na ang lugar na ito dahil sa paglipas ng panahong halos wala na itong buhay sa Astraea.

For all I thought. May misteryong tinatago rin pala ang isa sa mga makasaysayang gubat.

Veron's coven lies on its boundaries.

Nagmulat ang mga mata niya at bumaba ang tingin sakin. Tinaasan niya ng kilay ang nagagalak ko pang mukha.

"And you're proud of not sleeping..." He concluded firmly. "Sybella, that's not healthy," he worriedly mumbled but that didn't hide the delight on his voice.

"Just because the venom affected you that doesn't mean you'll let your body act the way I do. Pansamantala lang ito at kailangan mo pa ring magpahinga,"

"Can I hold it before I rest?"

"No."

Lumabi ako ng tahimik. They wouldn't let me hold it. Buo sa kaloobang binigay sakin iyon ni Calum kagabi, nakabalot pa rin sa takip ng mga sinaunang tagahawak nito. Wala na kaming ibang napag-usapan pa o naibunyag niya dahil sa pagod, sa pag-sidatingan ng mga bampira at pag-uumaga. Mukhang naninibago pa si Calum sa katawan nito. Hundreds of years in his werewolf form because of the sword's will weighing on him. Hindi ko maiisip ang sitwasyon niya ngayon. Sa pagbukang liwayway kanina ay halos nakatulala lang ito sa buong paligid.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon