Chapter Two

259 11 1
                                    

Caught

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang kabuoang ayos ko sa salamin. Too beautiful. Minsan ay naiilang na rin ako sa sariling itsura dahil sa labis na nakakapagnakaw pansin ito.

Maingat na niligay ko ang takas ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Sinong babae sa Vedalli ay batid kong may galit sakin dahil rito. Sa tuwing may pagtitipon-tipon at makikipag-usap ang ama ko sa labas ng palasyo ay ramdam ng kapangyarihan ko ang pag-iinit ng ulo nila sa tuwing nakikita ako.

"Tapos na ba?" tanong ko sa tagapagsilbing nilalagyan ako ng palamuti sa buhok.

"Malapit na, mahal na prinsesa."

Bumuntong hininga muli ako sa ikasampung pagkakataon. Nangangalay na ang mga kamay kong nakataas dahil sa pag-aayos ng eleganteng damit ko.

Pinagpatuloy na niya ang paglagay ng mga maliliit na bulaklak sa buhok ko.

Madaming tagapagsilbi ang nakapalibot sa akin. Dalawa ang nag-aayos sa buhok ko, tatlo sa magarbong kasuotan ko at isa sa mukha ko.

"Pumikit ka, prinsesa."

Sinunod ko ang utos ng nag-aayos sakin. Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang paglagay niya ng malamig na tubig roon. Pinasadahan niya ang talupak ng mga mata ko patungo sa buong mukha ko.

Pinahiran niya ito at nagtungo naman sa aking mga kuko. Inumpisahan niyang lagyan iyon ng kintab.

Dumilat ako at tinignan ang repleksyon ko sa malaking salamin.

Elegante at makintab na puting kasuotan ang susuotin ko patungo sa altar. Pinalilibutan sa beywang ng pulang rosas at tila binuburan ng iba't ibang klase ng dyamante. Sigurado akong nakasisilaw ito lalo kapag sinikatan ng araw.

Mahaba at nakapulot sa halos kabuoran ng kamay ko ang manggas nito. Bahagyang nakaibaba rin ito at kita ang balikat at lantad na lantad ang leeg ko. May nakapulupot maliit ngunit mahaba na laso sa gitna ng damit ko.

Nakapusod ang mahaba kong gintong buhok sa likod. Pinapalibutan ng pinagpatong patong na tila puti at gintong kwintas ang tirintas nito, at sa likod ay ang kumpol ng mga pulang rosas. May hibla na nanatiling nakababa rin sa likod ko at mukha ko.

"Napakaganda mo, Ate Sora.."

Lumingon ako sa babaeng kakapasok lang sa silid ko. Sinalubong ko siya ng ngiti.

"Salamat," Naglakad siya papalapit sakin. "Dalia.."

Tumigil si Dalia sa harapan ko at nakangiting bumaling rin sa salamin.

Nakasuot siya ng pulang eleganteng damit at ilang alahas. Suot niya rin ang kanyang korona.

"You're finally going to be a queen. Pagkatapos ng ilang taon, hindi ako makapaniwalang kokoronahan ka na talaga, ate.." Napansin ko ang pagbabadya ng luha sa mga mata niya.

Natawa ako.

"Isang taon nalang, magiging reyna ka na rin.." saad ko.

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko pero napangiti rin.

Nasaksihan ko ang paglaki ng batang ito. Natutuwa ako na nakikita ko siya ngayon na ganap ng prinsesa.

"Mabuti naman at nakarating ka." tugon ko. "Akala ko hindi na kayo aalis ni Enoch sa dagat," ngumiti ako.

Inumpisahan na akong lagyan ng mga tagapagsilbi at tagapag-ayos ng mga alahas. Niligay na rin nila ang isa pang mahabang parte ng damit ko sa likuran.

Mahinang tumawa siya at umiling.

"Si Enoch ang baliw sa dagat. And I wouldn't miss the grandest wedding of the five kingdoms. Ikaw ang kauna unahang ikakasal muli sa henerasyon natin, ate." nagagalak niyang sambit.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon