Chapter Forty

76 5 0
                                    

Dragons

"Pero si Haring Daniel... Hindi ba siya ang iyong t-tinukutukoy?"

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ng engkantada sa likuran ko. Ilang pulgada nalang ang layo ko sa pintuan at nakaangat na ang kamay ko para abutin iyon. Tumigil ang paghinga ko, kahit ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko ay saglit na nahinto.

Ito na ang kasagutang hinihintay mo, Sora. And it was told by enchantress, a hidden being and not supposed to be here.

"Hindi ako nanatili sa lupa para magbuklad ng napakaraming bagay. Akala ko ang propesiya lang ang kailangan kong ibuklad, ano ito ngayon?" Tila dismayado na ang pananalita niya. "Gawain ito ng mga diyos at diyosa, pero naririto na naman ako..." She heavily sighed.

"Pinapaalala ako nito sa isang taong wala na sa mundong ito..."

Hindi ko nadinig ng maayos ang huling mga katagang binulong na niya. I turned to her once again. She was walking towards me.

"Aaminin ko. Akala ko rin noon ang hari ang hinihintay ng mga espada para sa labanang ito. Binibigyan kami noon ng mga espada ng mga pangitain, ang isang katulad nila ay tatalikod sa mundong ito at may isisilang na muling bumuo sa kanila,"

"I waited as promised to my fellow golden bloods. Nasaksihan ko ang unti-unting pagkamatay at pagkasawi ng lahat sa mundong ito para pagtagpo-tagpuin ang walo. Wala na sila ngayon kundi isang nawawalang alaala ng mundong ito."

Sa likod ng tabon sa bibig at kalahati ng mukha niya ay naanig ko ngayon sa isipan ang mapaklang ngiting gumihit sa kanya.

"Patunayan mo sa amin, at sa kanila ang kakayahan mo, Sora. Hindi ko gusto ito... Kailan ma'y hindi ko inisip na isang babae ang matitira sa amin, ngunit huli na ang lahat ngayon. Ang pagkasilang mo sa mundong ito ay masyado nang huli, dagdag pang ika'y itinadhana sa isang Levinthes,"

"Hindi na ako hahatol sa iyo. Pero alam mo ba ang ginawa ng mga bampira noon at nabura ang tunay na kasaysayan nila sa mundong ito?"

She asked as if it was never a big thing. Sa paraan ng pagtatanong ay isang bagay lang iyong hindi na mahalaga pa.

Bumuntong hininga ako at dahan-dahang tumango. But what I've known was never enough. There were lies from what I was told. Noon pa man, hindi ko na maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit ng ravensiels sa mga bampira.

"All I know is they've destroyed an allegiance. Ang imperial na konseho... Ang kasamahanag pinagtipon-tipon ni Astraea. They've destroyed their castle in Cianna. Pinatay nila ang mga unang nilalang na lumuhod kay Astraea... At tanging walo nalang ang natitira ngayon..." Ang mga nagpalaki sakin.

She nodded. "Ang pagkawatak-watak ng unang kasunduan..." Bulong niya na may bahid ng pag-aalala sa nakaraan.

"Lahat ng krimen ay may kabayaran. At habang buhay mananatili ang kabayarang iyon sa kanila. Ngayon, isipin mo, Sora... What do you have in mind?"

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon