Chapter Twenty-six

106 6 0
                                    

Ang Puting Lobo

Walang isa sa mga taong lobo ang lumingon sa direksyon ko, nagtipon-tipon na silang lahat na pumapalibot sa kanilang Luna na muling nag-anyong lobo na. Kasama nito sa gitna si Rameshk na may ngiti ng tagumpay at pagmamayabang. Nakalahad ang kamay nito sa anak. Dahan-dahang yumuko sa kanya ang lahat at pumikit ang Luna'ng dinadampi na ang palad nito.

Huminga ako ng malalim. Nanatili akong nakayuko habang iniingatan ang bawat hakbang. Ito ang unang beses kong magtatanghal. Sa palasyo... ay prinsesa na kaagad ang nakakataas kesa sa iba.

This will be different. I was unknown and unfamiliar to them. A complete stranger in the middle of a clan and pack that I could easily command if I had my face shown.

Sumalyap ako sa puting lobo.

"V-Veron... Ang e-espada..."

Marahil hindi napansin ng batang lobo ang paglagas ng takip mula sa espada. The crest of Elven swayed on her back and slide to her one side. Glinting the blade of silver, the golden stones on the center of the sword. It hurt my eyes because of its instant spark. Napaangat ang kamay ko para harangan ang nakakasilaw na ilaw.

Nanlaki ang mata ko sa likod ng buhok ko sa biglang pagbugso ng damdamin.

It's alive.

Ang mga bituin sa itaas ko ay may pinaparating sa mga tapak ko palang.

Umawang ang bibig ko at lumabas ang una kong himno. Ramdam ko ang pagtigil ng lahat.

Nanatili ang kamay kong nakaharang sakin. Mahina ko iyong binaba sa harapan ng katawan ko, napapikit muli ako sa repleksyon ng espadang tumatama sa mukha ko. Sa oras na bahagyang nawala iyon ay nagmulat ako ngunit nanatiling nakayuko sa gitna ng lahat.

Tila may nakakapasong bagay sa kamay ko. Nangingig iyon noong binaba ko ito na para bang may ninanais na hawakan at pilit abutin. Kinuyom ko iyon at dinala sa dibdib ko. Sinimulan ko na ang mga salitang natutunan ko sa aklat ng musika mula sa limang palasyo.

My chant to the forest, and to the bewildering creatures of the night.

"Thy trees whisper solace
In spheres of the forest, thee shall walk
In a aura of a goddess, in a suit of an armor. Veiled beauty of a warrior,

Come forth, descending lights
Here, I stand for thee
In the forest of lying tranquility
I seek the dusts of the stars, not through beauty, but sincerity..."

She had the evening full moon, but I'm praising all of the stars visible day and night.

Ang katawan ko ay sumusunod sa aking awitin. Tuluyan na akong pumikit sa mga sandaling naramdaman ko na ang pagpukaw ni Selera sa kabuoan ng gubat.

Ang mga nilalang sa gubat ay nagsilabasan, ang sinag sa bawat puno ay nagmulat sa kadiliman mula sa pagkakatulog. Sa pagbanggit ko ng mga salita ay ang pamamaga rin ng sariling mga palad at pag-iinit. Totoo ngang walang may nakakaanig sa mukha ko pero ang mga kamay ko ay tila hindi umaayon sa lihim na pagtugon ng mga ito sa tawag ng espada.

Umiiyak ang puting lobo sa kalayuan. Naramdaman na nito ang nais kong iparating. Bumagabag sakin ngayon ang isang katanungan. Why isn't she shifting yet?

Mariin akong pumikit at nagpatuloy sa pag-awit.

My voice was gifted by the Queen Adrianna. Ang reynang naging pangalawang ina ko na rin. Bawat prinsipe't prinsesa ng limang kaharian ay may biyayang regalong nagmumula sa bawat kaharian, dagdag sa pagiging makapangyarihan namin balang araw. Ang boses ko ang hinasa ko ng lubusan simula pagkabata. What could I do anyway? I grew up sitting in front of books or a window. Memorizing every bits of my kingdom that sometimes I didn't dare to realize, I was humming.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon