No King
"Sybella Alora!"
I remain stilled and held my head high. Ang espada ko ay nakatuon sa kakaibang hugis ng mga puno at mga wala nang buhay na bulaklak at imahe ng engkantadang inukit mula sa naglalakihang bato na tila mga rebulto sa harapan ko ngayon. Pero mukhang hindi ko na ito matatawag pa na mga sagradong imahe dahil sa mga biak, at kawalan na ng mga parte nito.
"Sora. Put that down." Mariin at galit na tugon ni Adelaine sa himpapawid.
Napahinga ako sa paghihintay. Malakas na iyak ang pinakawalan ng pulang dragon ko sa buong isla bilang babala, tila naramdaman nitong naiinip na ang kanyang reyna. Ganoon din ang ravensiel. Nagsilabasan na ang mga pakpak nila mula sa likod at napahigpit ng hawak sa kanilang mahahabang kalasag.
Patuloy ang pag-iilaw ng espada ng korona sa kamay ko. Humawi ang mahaba kong buhok sa likuran at pumakumbaba ang daloy ng hangin sa paligid dahil sa bumubugsong kapangyarihan nito.
"Let her be, Laine. We don't have time to sweet-talk them," Zeref's stern voice.
Naramdaman ko ang pagbaba ng mga dragon sa likod, may tatlong malakas na lumapag sa tabi ko. Sanhi ng pagbagsakan at pagsihawian ang bawat puno, gumuho ang bahagi ng lupa sa paglapag ng mga prinsipe at prinsesa ng pinakamataas na mga kaharian.
"Are you crazy, Zeref?! What happened to them was merciless! P-Please... Sora, don't threaten them and let them take their time... Sinisigurado kong lalabas rin sila." Saad ni Adelaine sa likuran ko. Bakas sa boses niya ang pagdadalawang-isip at takot.
My connection to the sword grew even more when none of them respond to my call. "Get out now or I swear, Fedoras will be nothing more but ashes by nightfall!" I shouted.
Muli, ay malakas na kumawala ang nakakarinding iyak ng dragon sa paligid. Kahit sa mga paa ko'y ramdam ko na rin ang unti-unting pag-iinit ng balat nito.
Nag-uumpisa nang maubos ang pasensya ko. Hindi ko ito gustong maubos... Hindi rin dapat nila gustuhin ito, o kung hindi ay isang hindi kaaya-ayang panauhin ang magaganap na tiyak na hindi nanaisin ng lahat. Mawawalan ng silbi lahat ng mga salita ko sa araw na ito.
"Come on... Stop playing with us. Lumabas na kayo mga diwata," nagtitimping usal ni Celestre sa kanan ko. Naanig kong nakatayo na rin ito sa gitna ng mga naglalakihang pakpak ng tansong dragon.
"We are waiting, fairies of the Fedorian shrine," Reagan muttered on Zeref's side on my left. I can picture the playful smirk on his lips.
"Hindi niyo gugustuhin ang mangyayari kapag pinag-antay niyo pa kami. The golden queen will definitely do what she said. This shrine will burn,"
"Hindi tayo pumupwersa... Ibaba mo iyan, Sora. I can feel them in the roots of the ground, they are still in pain. Tinatakot niyo lang sila lalo--"
Napatigil siya sa pagsasalita ng sabay-sabay gumawa ng tunog ang mga dragon sa kinatatayuan naming tila umabot na sa malalayong karagatan. Halos nawala ang pandinig ko pero hindi ako nawala sa posisyon at mas lalo lang pumirma. Narinig ko ang sunod-sunod na pagmura ng mga prinsipe. The power on my hold was flourishing them.
"Sora... Put that fucking sword down."
Hindi ko pinansin ang tawag ni Adelaine at hinanap ng nga mata ko si Phileis. Nakita ko siyang nangunguna sa mga ravensiel na nakapwesto sa lupa. Gumalaw ang katawan nito paharap sakin nang maramdaman ang titig ko.
I nodded at him.
Walang dalawang segundo ang mabilis na paglipad nito sa mataas na batong malapit sa kinatatayuan niya. Naglaro ang mahabang kalasag nito sa mga daliri niya bago itinutok ang talim nito sa bato.
BINABASA MO ANG
Golden Blood (Legend Of The Stars #2)
FantasyLegend Of The Stars #2 (Completed) •Alignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the sublime princess never desired for a throne nor a crown until her pure heart altered her fate. The ge...