Chapter47

12.1K 166 9
                                    

A/N: Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang lahat ng nagbigay ng kanilang oras para mabasa ang kwento ng ating mga bida. Maraming salamat po.:)

CIEL

"Anung balak mo na ngayon? Nakulong na si Justine, mapagbabayaran na rin nya ang ginawa nya sayo." Si Raem, kasama nya si Jane at Lyka na bumisita, busy daw ngayon si Lara kaya hindi nakasama.

Naaawa rin ako kay Justine, bata pa sya para makulong pero dapat din nyang pagdusahan ang kasalanan nya.

"Magmeryenda muna kayo." Nilapag ni ate Kate ang juice at sandwich sa isang maliit na mesa. "Mauna muna ako sa inyo, may kailangan lang akong ayusin." Paalam nito, nagsitanguan naman sina Raem.

"Oy best, tinatanung ka ni Raem kung anu na planu mo ngayon.." Si Lyka.

"Pagkatapos ng mga nangyari gusto ko munang ipahinga ang isip ko, magbabakasyon na lang muna ako." Sagot ko.

"Ay dapat pala hinintay ka muna ni Clarise, diba nasa bakasyon sya ngayon?" Si Jane.

Nasa bakasyon nga ngayon si ate Clarise, pagkakulong ni Justine ay nagpaalam ito sa amin na magbabakasyon daw ito. Di nga namin alam kung saan.

"Eh di nga manlang nya sinabi kung san sya magbabakasyon eh. Kadaya nun." Si Lyka.

"Uuwi na lang muna ako sa amin. Mas maganda rin don para matulongan ko sina nanay." Ilang araw matapos ang kaso ay umuwi rin kasi ang mga magulang ko.

"Well, mas okay yan para don ka na lang namin dalaw dalawin." Si Raem.

"E best... Wag kang magagalit ha.. Si dober ay este si Alex, di mo ba muna sya kakausapin? Dapat ipaliwanag mo sa kanya lahat ng mga nangyari." Si Lyka. Bigla nanaman ako nakaramdam ng kirot sa puso ko pagkarinig ng pangalan nya. Kumusta na kaya sya.. Di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Eiih..! Best... sorry kong nabanggit ko sya." Ani Lyka at dali daling tumabi sa akin saka nya ako niyakap.

"O-okay lang ako best. Dapat ko nga siguro syang kausapin.."

"Tama lang yan Ciel, kasi ung mga nangyari sayo di manlang natin nasabi sa kanya, ayaw mo naman kasing sabihin namin." Si Raem.

"0o nga, dapat mag usap kayo para maayos ang mga dapat na ayusin. Sayang ang mga pinagsamahan nyo lalo na kung mahal nyo pa naman ang isat isa." Si Jane.

Tama, kailangan ko syang kausapin. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. Sana tanggapin at mapatawad pa nya ako.

"Best, andito lang kami sa likod mo." Nakangiting sabi ni Lyka. Ngumiti rin ako.

"Oh panu, kahit di tayo kumpleto dapat may group hug."
Si Raem na may halong pilyo ang ngiti. Agad akong tumakbo. Alam ko sabay sabay nila akong dambahin, sa liit kong ito baka magkandapitpit ang katawan ko.

"Bessst...! Bad ka! Bakit ayaw mo makipag group hug!?"

"Bleh!" Benilatan ko sila saka ulit ako tumakbo. Nagpaikot ikot kami sa sala ng maliit naming apartment ni ate. Luko talaga ang mga to!

****

This is it. Ito na. Kakausapin ko na talaga sya. Dinial ko ang number nya. Iba ng number ang gamit ko dahil nagpalit ako mula nung iniwasan ko sya. Sobrang kaba at excitement ang nararamdaman ko.
Pero lalo akong kinabahan, di magring at un attended. Inulit ko pa ng ilang beses pero ganun pa rin kaya napagpasyahan ko na lang na pumunta sa kanila. Bahala na.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon