Chapter 23

11.2K 212 18
                                    

Ciel

Pasukan ulit, para nanaman akong tanga sa kakaantay kay doberman. Sabi nya saglit lang daw pero ang tagal-tagal naman. Umupo nalang muna ulit ako sa bench, nakita ko naman sina Jackson at Lyka na palapit sa akin.

"Oh, prenship. Bakit mag isa ka, asan yong girlfriend to be mo?" Si Lyka at umupo sa tabi ko, umupo rin si Jackson sa katapat namin.

"Haaay....! Ewan ko don! Ang sabi lang naman e antayin ko saglit pero hanggang ngayon wala pa." Napabuntong hiningang sagot ko.

"Baka may importante lang na inasikaso kaya natagalan. Darating din yon."Sabad naman ni Jackson.

"Ay ewan ko don! Baka may ibang babae!" Nakangusong sagot ko. "Bahala siya sa buhay nya!" Dagdag ko pa.

"Ayan ka nanaman Ciel, napaka highblood mo. Huminahon ka naman, sabi kasi sagutin mo na para wala kang kaagaw eh." Si Lyka.

"E panu ko sasagutin parang di naman nanliligaw, parang gaya rin lang nung dati, walang alam gawin kundi inisin lang ako." Maktol ko.

"O diba nga ilang araw ding inalipin mo sa inyo? Ipinag igib ka ng tubig kahit may nakakabit ng tubig sa banyo nyo, ipinagsibak  ka pa ng kahoy kahit naka burner naman kayo.!" Natatawang sagot ni Lyka.

"Teka! My kulang pa kasi kaya muryot pa yang si Ciel." Si Jackson naman.

"Anu?" Si Lyka.

"Di pa siya nahaharana  ni Alex."Sagot naman ni Jackson sa kasintahan.

"Ay oo nga...." Si Lyka naman with matching hawak pa sa baba nito.

"Huwag nyo nga ako pinaglulukong dalawa, kahit di na nya ako haranain. Baka boses palaka pa yon!" Sagot ko naman saka ko pinaikot ang mata ko.

"Aysus! Yan kasi, ilang beses ka naman kasi naming inaaya na magbar kina Alex pero lage ka tumatanggi, minsan kumakanta sya don. Di mo tuloy nakita at narinig kung ganu kaganda ang boses nya!"Kinikilig pang kwento ni Lyka.

Wew! Sa medyo matagal naming nagkakilala ni dober ngayon ko lang nalaman na may talent pala siya.

"Haha! Ganun? Kaya naman pala laging bumabagyo sa twing pumupunta kayo don, natataon palang kumakanta yong damuhong yon." Taas kilay na sagot ko.

Sasagot pa sana ulit sila nung may babaing palapit sa amin. Parang modelo kung maglakad. Potragis! Si Violeta! Anu naman kailangan nya sa amin.

"Hey! Are you expecting for Alex? Sad to say, di siya makakapunta dahil busy sya sa pag aasikaso sa engagement party namin. Gaganapin next week."Natulala naman ako. Eto nanaman ang fiancee thingy, ang tagal kong iwinaksi sa isip ko pero.....

"By the way, here's your invitation. Di ko naman kayo makakalimutang bigyan because I know mga friend kayo ng fiancee ko.. right Jackson? Tumingin ito kay Jackson pagkatapos mailapag sa bench ang invitation na tinutukoy nito. Nagtaka rin ako, kakilala rin pala nya si Jackson.

"Kung anuman yang mga binabalak mo, wag mo ng ituloy." Si Jackson.

"Well, bahala kayo kung di kayo maniniwala, bahala kayo kung ayaw nyo pumunta."Aniya at humalakhak pa.

Gusto ko ng sabunutan pero nagpipigil lang ako. Pakyu ka doberman! Kaya pala hanggang ngayon di ka pa dumadating! Bago pa tumulo ang luha ko, napagdesisyunan ko na silang iwan. Pinipigilan naman ako nina Lyka at Jackson.

"Wag kang maniwala sa kanya prenship. Wala lang magawa sa buhay yan!"
Sobrang talim naman ng tinginan nina Violeta at Lyka.

"W-wala naman ako magagawa kung talagang sila." Sagot ko, di ko na rin mapigilan ang paggaralgal ng boses ko.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon