Chapter 43

6.2K 164 19
                                    


Ciel

"Kausapin mo na sya Ciel. Hirap na hirap na yong tao." Ani ate Kate sa akin.

"Sige ate, susunod na lang ako."
Lumabas naman na ito sa kwarto namin. Huminga ako ng malalim bago umahon sa kama. Nagsuklay ako ng buhok ko, pagkatapos ay nagkalkal ako sa drawer ko at lumabas na rin ako ng kwarto.

"Ciel...."

Agad itong tumayo pagkakita sa akin. Pagkalapit ko ay agad nya akong niyakap ng mahigpit. Inaamin ko, sobra ko na syang na miss. Gusto ko na ring syang yakapin at umiyak. Pero hindi, kailangan kong magpakatatag.

"D-di ako makahinga..." Kako sa kanya at marahan ko syang itinulak.

"Sorry, namiss lang kita ng sobra." Anito at pilit na ngumiti. Naaawa ako sa itsura nya. Nangayat ito at anglalaki ng eyebags nya.

"Gusto sana kitang makausap ng masinsinan Ciel. Gusto ko sanang linawin ang lahat.." Aniya sa akin.
Sasagot sana ako pero dumaan sa harap namin si ate Kate at nagpaalam lang na may bibilhin sa labas.

Umupo naman kaming magkaharap ni Alex.

Hindi ko alam kung papanu sisimulang magsalita. Bigla rin naman ito tumahimik. Nilalaro nito ang singsing na nakasuot sa daliri nito kapagkuwa'y pait na ngumiti.

"Eto na ba talaga Ciel? Is this for real?"
Di ko alam kung anu ang isasagot ko. Kaya ko nga ba talaga?

"Ah-"

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" Tanong nya sa akin na may luha ang mata. Nasasaktan ako na nakikita syang ganun. Nadudurog ang puso ko, napaluha at napaiyak na rin ako.

"Ka-kailangan nating tapusin kung anung merun sa atin Alex." Sa wakas ay nakapagsalita na ako.

Tumingin sya sa akin. Parang di ko kayang makita ang paglandas ng luha sa pisngi nya. Sa mga panahon na nagkasama kami, ngayon ko lang sya nakitang umiyak.

"Alex sorry..."

"Why? May... may nagawa ba akong di mo nagustuhan? Sabihin mo para ayusin ko."

Marahan akong umiling.

"A-ako ang may deperensya Alex. Ako ang nagkamali. Sana... sana mapatawad mo ako."

"Hwag kang ganyan Ciel, madami pa tayong pangarap di ba? Magsasama tayo habang buhay.."

"Akala ko lang pala yon Alex. Pa-patawarin mo ako."

"Di mo na ba ako mahal?"

Yun eh, di mo lang alam kung ganu kita kamahal Alex..

"Tinatanung kita Ciel, di mo na ba ako mahal?"

Tumango ako pero di ako tumingin sa kanya. Lumapit sya sa akin saka nya ako niyakap, pinilit ko namang makawala.

"Di totoo yang sinasabi mo, binibiro mo lang ako di ba?"

Pagak akong tumawa.

"Sa tingin mo ba ibibiro ko sayo ang  mga ganitong bagay? Hindi ako nagbibiro."

"Pero bakit? San ako nagkulang?"

"Wala kang pagkukulang Alex, ako ang may mali, ako ang nagkamali."

"Tatanggapin ko kung anu man yang mali mo, hwag mo lang akong itulak palayo please...."

Panu ba to, unti unti ng natitibag ang pader na iniharang ko.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon