Chapter 27

9.1K 203 8
                                    

Violeta

"Hoy! Gising!" Narinig kong bulong sa akin at may kasama pang yugyog. Kasarapan ng tulog eh, makayugyog pa, sobra?

"Ikaw?" Gulat na sambit ko pagmulat ko ng mata ko, ang busangot naman na kaibigan ng mang aagaw ng fiancee ko. Siya pala yong katabi ko?!

"Ako nga, pasalamat ka at ginising kita. Kanina pa tayo nandito sa bayan!" Sungit-sungit niyang sagot sa akin. Abah, mataray huh! Pwes, ako ang reyna ng mga matataray kaya di dapat ako magpatalo!

"So? Sinabi ko bang gisingin mo ako? If you'll excuse me, I have to go now. Ayuko nakikipag usap sa mga taong kaibigan ng mang aagaw. Ah.. (napataas kilay pa ako.) di lang pala kaibigan, secret admirer din pala." Sabi ko sabay halakhak. Di naman maipinta ang mukha nito. Aalis na sana ako nung bigla nya ako hilahin sa braso ko pabalik.

"Wala namang masama don, at least di ako naninira ng relasyon!" Sagot nya sa akin.

"Hindi ako naninira ng relasyon!" Galit na sigaw ko sa kanya saka ko binawi ang braso ko. Napangisi pa ito.

"May sinabi ba akong ikaw? 0 sadyang natamaan ka?" Nang uuyam nyang tanung. Oh!! I hate her!!!!

"Hindi ako ang naninira kundi ang malandi mong kaibigan! Pagsabihan mo yong kaibigan mo, pag di pa nya layuan ang fiancee ko, di nya magugustuhan ang mangyayari!" Pagbabanta ko.

"Di ba ikaw dapat ang lumayo sa kanila, masaya silang dalawa! Nagmamahalan sila, huwag mo na silang gugulohin!"

Napaluha naman ako dahil sa sinabi nya. Simula makilala ko si Alex ay wala na akong ginawa kundi ang bumuntot dito, minahal ko sya agad at ginawa ko lahat para mahalin lang nya ako, pero di nito ginawa, nagmahal pa ito ng iba. Tiningnan ko na lang sya ng masama saka na ako nagmamadaling lumabas ng bus. Bahala siya kung anu iisipin nya kung bakit ako pumunta sa kanila.

Ciel

"Baby..," Ani sakin ni dober. Magkatabi kaming nakahiga sa duyan sa labas ng bahay namin at nakaunan ako sa braso nya.

"Hmmm..?"

"ahh.. Pwede bang dito ako makipagcelebrate ng pasko?" Parang alanganin pa nyang tanung sa akin.

"At bakit? Sa yaman mong yan wala kayong handa sa bahay nyo?" Sabi ko sa kanya pero sa loob-loob ko ay gusto ko ng magtalon-talon dahil sa tuwa! Ibig sabihin ay gusto nya akong makasama sa espesyal na araw! Kilig much ake hihi!

"Eh anu kasi, wala nga kaming handa. Gusto ko sanang makikain sa inyo." Sagot nito kaya kinurot ko sya sa tagiliran, panay ilag nito kaya muntik pa kaming malaglag mula sa duyan.

"Tsk! Baby naman, di na mabiro." Alo nya sa akin saka nya ako niyakap.

"Tse! Yan lang naman pala habol mo, di kumain ka sa restaurant!"

"Biro nga lang eh, ka highblood naman ng baby bansot ko. Syempre, gusto ko makasama ko ang pinakamamahal ko sa espesyal na araw." Anito saka nya ako hinalikan sa tungki ng ilong. Isiniksik ko naman ang mukha ko sa leeg nya, yun e, iyon ang gusto kong marinig. (insert devil smile here) haay... pinapakilig mo nanaman akong doberman meyer ka. Isiniksik ko pa lalo ang mukha ko sa leeg nya, hmm... Bakit ang bango pa rin nya e pawis na pawis kami dahil sa ginawa namin kanina? Unfair naman yata. Ako nga naligo pa para di mag amoy pawis dahil nga sa ginawa namin kanina. Hay grabe, kaganda at nakakarelax sa pakiramdam nung ginawa namin kanina.

A/N: Promise, may ginawa sila kanina.

         FLASHBACK

"Baby... ipapasok ko na ba?" Tanung nya sa akin.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon