Ciel
"Sinu yon?" Salubong ang kilay na tanong sakin ni dober pagdating ko sa bahay.
"Siya si Justine, kasamahan ko sa karinderya na pinapasukan ko." Nakangiting sagot ko, niyakap ko rin sya at hinalikan sa pisngi pero di pa rin nawawala ang pagsambakol ng mukha nya.
"Nagtatrabaho ka sa karinderya? Kelan pa? Bakit?" Sunod sunod nyang tanong at napalitan ng nag aalalang mukha ang kaninay sambakol nyang mukha.
"Napagiba kasi ng biglaan yong palengke sa talipapa kaya wala ng pwesto si nanay." Malungkot na sagot ko.
"Anu?!" Halatang nagulat din ito sa nalaman at biglang nag iba ang aura ng mukha nya, galit ito at sunod sunod ang paghinga.
"Akala ko ba ay titigilan na nila tayo." Mahinang bulong nya, parang di ko yata maintindihan.
"Anung ibig mong sabihin?" Nagugulohang tanong ko.
"Uuwi na muna ako." Bigla nanamang paalam nya, di ko na talaga sya maintindihan. Binuksan nya ang pinto ng kotse nya pero bago pumasok ay lumapit muna sya sa akin saka nya ako niyakap.
"Maaayos din yon Ciel, okay? Pero di pa tayo tapos tungkol don sa Justine na yon, kung makahalik sa pisngi mo wagas ha." Anito at hinalikan ako ng mabilis sa lips saka pumasok na ng kotse nya at pinaharurot na, naiwan naman akong nagugulohan.
"Anung nangyari don? Dadalaw tapos biglang alis?" Pumasok na lang ako sa bahay, wala pang tao sa bahay kaya di pa nabalitaan ni dober yong paggiba sa palengke. Inayos ko muna ang mga lulutuin ko para sa hapunan bago ako naligo. Katatapos ko magbihis nung may kumatok sa pinto. Agad kong binuksan, sina nanay pala, galing sila sa lamay ng isa sa mga kamag anak namin.
"Kumusta naman po sina tito?" Tanung ko pagkaupo namin sa sala.
"Okay na sila, tanggap na nila na nawalan sila ng anak. Kaya kayo lagi kayo mag ingat, di namin alam ang gagawin namin ng nanay nyo kapag nadisgrasya kayo o kung anu mang masamang mangyari sa inyo." Bilin ni tatay. Tumango naman kami pareho ni Potpot.
Nakailang baliktad na ako sa higaan ko pero di pa rin ako dalawin ng antok. May trabaho pa naman ako bukas, si dober naman kasi di manlang nagtext tapos di ko pa macontact. Kainis naman yon basta na lang umalis kahapun, pero kinilig ako ha, nagselos yata kay Justine hihi!
"O Ciel, sabi pala ng bos natin kaw na daw kukuha ng order at magseserve sa mga kakain. Yong bago na lang daw ang tagahugas." Sabi sa akin ni Justine pagpasok ko sa karinderia.
"Ha, ganun ba. Kelan pa may bago? Kasisimula ko lang naman kahapun a." Sagot ko.
"Dating tagahugas daw yon, bumalik ulit dito kaya ganun ulit ibibigay na trabaho nya. Okay na yong bago mong task, mas magaan." Anya sa akin.
"Haay... 0o nga, salamat naman."Nagkwentuhan pa kami, saglit lang ay nagsidatingan na ang mga kakain. Di naman ako nahirapan dahil may kasama naman ako na nagseserve.
"Uwian na Ciel. Tara, hatid kita ulit." Alok ni Justine, pumayag naman ako dahil wala namang masama don. Gulat lang ako paglabas namin ng karinderia.
"Baby, lets go!" Agad na hinila ni dober ang kamay ko, hinila nya ako palayo kay Justine. Palipat-lipat naman ang tingin sa amin ni Justine.
"Alex naman, bakit basta-basta ka naman nanghihila dyan?"
"Tinatanong mo pa? Bakit nanaman kayo magkasama ng Justine bolbol na yan!" Naiinis na bulong nya sa akin.
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!