Justineshane- Eto na yong request mo.
AFTER KFC
Violeta
Wala akong ginawa kundi sumubsob at umiyak sa manibela ng kotse ko. This is so f*cking sh*t! Talagang ginagalit nila ako! Pinahiya pa ako ni Alex dahil lamang sa hampaslupang yon! Ang sakit... Di ko matatanggap! Ako si Violeta Imperial! Anak lang naman ng nagmamay-ari ng mga pribado at malalaking ospital! Masasagasaan ang sinu mang babangga sa akin! I wipe my tears then smile, Alex, tandaan mo to, sa akin ka rin babagsak!
Paaandarin ko na sana ang kotse ko nung may kumatok sa salamin ng bintana ng pagkalakas-lakas, pagtingin ko ay si Clarise. What the hell is she doing here? Isa pa ito eh.
"What?" Agad na tanung ko pagkabukas ko ng bintana.
"May binabalak ka anu?" Taas kilay nyang tanung sa akin.
"Anung binabalak? To whom? For what?" Nagmamaang maangan na tanung ko pero alam ko na kung anu ang tinutukoy nya.
"Ow? Dont act like an innocent brat girl, i know you know what i mean."
"I-i dont know what are you talking about! Leave me alone o baka gusto mong sagasaan kita!" Pananakot ko then i started the car.
"Really huh? Gusto mo bang tawaging kriminal ang kaisa isang anak ni Doctor Imperial?" Nakangisi nyang sagot at tanung sa akin.
"I hate you!" Sigaw ko, may balak talaga manira ng sirang sira ng araw.
"Oh, i know." Sagot pa nya sa akin at ngumiti ng nakakaluko, walang anu anu'y binuksan ang pintuan ng passenger seat at walang sabi-sabing pumasok at umupo sa tabi ko. Damn! Di ko agad napindot yong automatic button para malock yong pinto.
"What the hell are you doing?" Galit na sabi ko sa kanya.
"Makikiangkas ako, masama ba? Nagtitipid kasi ako eh." Cool na cool na sagot nya sa akin at parelax pang umupo. She's so crazy!
"You're so crazy!" Napapasabunot sa sariling buhok na sigaw ko sa kanya.
"Ow ow... Next to you." Pang aasar pa nya lalo sa akin.
"Fine! Ihahatid kita, san ba tirahan mo?" Suko ng tanong.
"Di pa ako uuwi honey, date muna tayo." Sagot nya sa akin sabay ngisi.
"Ang kapal mo lang e noh? Dont you ever call me honey again! Sumbong kaya kita sa momy ko." Asar na sagot ko.
"Idi sumbong mo ako. Samahan pa kita."
"Errr! San mo gustong pumunta?" Salubong ang kilay na tanong ko.
"Bahala ka kung san mo ako dadalhin." Sagot nya sa akin saka pumikit. Bwisit to! Gagawin pa akong tourist guide!
"Aba sige! Dadalhin kita sa impyerno!" Sigaw ko.
"Hmmmm...." Aba't ungol lang ang sagot sa akin.
Di ko maiwasang pagmasdan ang mukha nya. Katangos din ng ilong nito gaya ni Raem, parang female version lang nya ang kapatid nya.
Napadako naman ang mata ko sa nakatikom nyang labi. Color pink at parang mamasamasa. Di ko maiwasang mapalunok sabay hawak sa labi ko, minsan ng nadikit ng di sinasadya ang labi ko sa labi nya.
"Sa langit mo yata ako balak dalhin.." Bigla ito nagsalita at iminulat nito ang isa nyang mata, sh*t! Halata bang nakatitig ako sa kanya?
Hmp! Inirapan ko na lang sya at nagdrive na lang. Ewan ko lang kung san kami mapupunta.
BINABASA MO ANG
You Are My Everything (girlxgirl)
RomanceAng crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging straight ako na parang rainbow. Pa read po. Thankz!