Chapter 8

12.6K 232 8
                                    

"T-talaga? Maganda ako?" kunwaring di ako nailang sa paghaplos nya sa pisngi ko. Ewan ko ba kung bakit ako nailang ngayon. Dati naman nya hinahaplos pisngi ko pero parang iba kasi ang paraan ng pagtitig nito sa akin ngayon.

"0-oo naman. Di lang kasi napapansin ng iba dyan. Saka di dapat sa itsura titingin ang isang tao." sagot nito. " pero hayaan mo na siya, kalimutan mo nalang siya." payo pa nito sa akin.

"eh sya naman kasi first love ko ate. Maiba tayo. Kaw ate, may boyfriend ka na ba?"tanung ko rin sa kanya.

"ha? wala." Tipid na sagot nito

" huh? sa ganda mong yan ate posibleng walang nanliligaw sayo." ako habang nilalagay ang karne sa kaserola at isinalang ko na sa kalan.

"merun naman nanliligaw."sagot nito.

"e bakit wala kang boyfriend?" tanung ko ulit

"di ko naman kasi gusto yong mga nanliligaw sa akin."sya

"0w? Pero may nagugustuhan ka na ba?" tanung ko ulit. Ngayon ko lang kaya makakwentuhan si ate about lovelife. Kahit isip bata ito minsan, mas madalas pa rin itong seryuso.

"tsk! magluto na nga lang tayo."pag iiwas nito pero di ko tinigilan. Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"paiwas ka pa ate. May mahal ka na ba?" pangungulit ko at nag iwas naman ito ng tingin.

"tigilan mo na kasi ako, kaw talaga. Concentrate nalang tayo sa pagluluto."

"eh sabihin mo muna kung sino yong nagugustuhan mo."

"bakit, may sinabi ba akong merun?."

"merun! Kasi di ka naman iiwas kung wala e." pangungulit ko saka ko siya niyakap. Napasandal tuloy ito sa mesa dahil sinadya kong magpabigat.

"kaw talaga Ciel, ang kulit mo...! Saka ang bigat mo, nakadagan kana a.!"

"sabihin mo na kasi please.." nagpout pa ako.

"di ko pwedeng sabihin, umupo ka kaya ng maayos." siya

"bakit naman?" ako, nakayakap pa rin sa kanya. Pulang pula naman ang mukha nito, dahil siguro sa pangungulit ko kung sino ang nagugustuhan nya.

"may gusto na syang iba." sagot nito sa akin at kitang kita ko ang pagrehistro ng sakit sa mga mata nito.

"parehas pala tayo ate." sabi ko. Ngumiti at yumuko lang ito.  " Hmmm, magluto na nga lang tayo."pag iiba ko ng topic. Nakunsensya tuloy ako, kung di ko sya kinulit baka di siya nalungkot.

"yummy..!" ani Alex pagkatapos nitong humigop ng sabaw ng sinigang.
Grabe siya, bakit ang unfair ni God? Kahit paghigop ng sabaw ang hot pa rin nyang tingnan. Bawat pagnguya nito, parang ang sexy? 0h my gosh..! Di lang parang, ang sexy talaga... Parang ang sarap din nya.  Anu kaya mas masarap, si dober o sinigang? Huh?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ciel, kakain ka ba o titingnan mo nalang ako.." si Alex

"h-ha?" mula sa pagday dreaming ay nagising ako. Nakatingin tuloy sila sa akin. Tsk! Bakit na ba ako natutulala sa taong aso na to.

"ang kapal mo talaga! Bakit naman kita titingnan. Sa pader ako nakatingin noh." palusot ko. Whoah! Puro nalang ako palusot.

"Ehew mukha na pala akong pader ngayon." Si Alex sabay ngisi.

"tama ka, mukha kang pader! Sing tigas pa ng mukha mo. Ate Clarise, pengeng lason. Lalasonin ko na tong hipag to be mo." ako

" Bakit kasi kayo puro bangayan? Wala tayong lason dito. Kumain ka na lang kasi." Sagot lang ni ate  Clarise at ipinagpatuloy ang kain.

"saka di rin naman ako papayag na lasonin mo ang nililigawan ko noh."Si Raem naman. Tsk! Dalawa pa kayong lasonin ko ei.

"sarap mo nga talagang magluto bansot." bigla namang papuri ni dober pero nainis pa rin ako. Bakit bansot na tawag nito sa akin e nung isang araw lang princess tawag nya sa akin. "asa ka kasi!" sabad nanaman ni kunsensya. Kahit kelan talaga kontra.

"syempre naman." nakalabing sagot ko.

"dito nalang kaya ako kakain araw-araw." si Alex

"wag kang abusado. May bahay ka naman saka mayaman ka noh, mas masarap pa kesa dito ang nakahain sa mesa nyo." ako.

"grabe ka naman. Ayaw mo nun, pag dito ako lage kakain, araw araw kung pupurihin ang luto mo." Alex

"weh, di na kailangan. Alam ko masarap ako magluto." ako

"yabang nito." si Raem na kontrabida na sa buhay ko ngayon. Panay pa ang asikaso nito kay Alex. Di naman lumpo yong tao. Dapat ako ang ina asikaso ei. "bakit lumpo ka ba?" esh si kunsensya nanaman. Lumayas ka nga dito sa dining area.! "kapal mo Ciel, pang mayaman lang yan. Kusina na lang kasi." Aish bakit ba? English nga e.

"bakit, masarap naman talaga ako magluto a. Di ako nagyayabang noh." sagot ko sabay pout.

"hmpf.. tinulongan ka naman ni ate a." si Raem ulit, kontrabida na talaga siya sa life ko. Di na siya nakakatuwa.

"tagahiwa lang naman ako. Si Ciel talaga ang nagluto." si ate Clarise. Haha! You're the best talaga ate. Kakampi talaga kita.

"kitam?" kindat ko kay Raem at nagpout ulit. E kasi naniniwala nga talaga ako kay ate Clarise na ang cute ko daw pag nakapout.

"tsk! 0o na. Kung makanguso naman, wagas! Kala mo bagay." si Raem sabay belat nya sa akin.

"ei bagay ko naman!" ako

"tsk! Raem, tama na kasi. Nasa harap tayo ng pagkain." saway ni ate Clarise. Parang kanina pa ito wala sa mood. Si Alex naman ay pangiti-ngiti pa at pasulyap-sulyap pa sa akin habang kumakain. Hmp! Kung chinese lang ako, matagal ko ng tinusok ng chopstick yong mata nya.
Kaso dalagang pilipina ako ei..

Sa School

Kahit may ibang mahal na ang fafa Raem ko, hahatiran ko pa rin siya ng meryenda nya. Malay natin, mabaling sa akin ang pagtingin nya hihi!
Nagsabi kasi ito na di nya ako makakasabay sa canteen para magmeryenda dahil aasikasohin daw nila yong projects nila. Pagpasok ko sa building nila ay nakatambay ang mga ka-batch nito sa hallway. Di ko naman makita si mokong kaya naglakas loob akong magtanong. Magkakakilala naman sila ei.

"Sina Raem?" tanung ko sa isang jejemon na ka batch nito. Mukha kasi itong jejemon hihi! Nakasumbrero pa ng pang jejemon.

"wala siya dito. After break namin ng first subject, nagmamadali ng umalis." sagot naman nito.

"ay ganun, Kala ko may project daw kayo. Bumili nga daw sila ng aso? Tama, aso para sa project nyo daw?" tanung ko ulit.

"ha? Wala naman kami ganun na project saka kung sakali man na mangangailangan kami ng hayop para sa experiment namin, may maipo-provide naman ang school." sagot naman nito. Kainis! Bakit naman nagsinungaling sa akin si Raem. San naman kaya sya pumunta noon at ngayon? Kainis talaga yong mokong na yon, nakilala lang si dober natuto nang maglihim sa akin. Salamat kay jejemon, kung di dahil sa kanya di ko malalaman ang pagtataksil ni Raem. Ahuhu! Angsakit. " 0a mo, bakla ka na ba? Nagsinungaling lang di nagtaksil!" si kunsensya. Feeling bitoy!




  ^-^
Thank you for reading:)

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon